
“So far okay naman po ako ngayon.”
Iyan ang naging sagot ni Mommy Dearest actress Katrina Halili nang tanungin kung kamusta na siya halos isang taon nang pumanaw ang kaniyangd boyfriend at dating Wao, Lanao Del Sur Vice Mayor na si Jeremy Guiab.
Matatandaang inanunsyo ni Sa kaniyang Instagram page ang pagpanaw ni Jeremy January ng taong ito. Sabi naman ni Quezon City Councilor Don De Leon sa kaniyang post, pumanaw si Jeremy nang atakihin ito sa puso. Naitakbo pa umano ni Katrina sa ospital ang kaniyang nobyo, ngunit hindi na ito umabot.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Katrina na kailangan niyang tanggapin ang nangyari at maging malakas dahil umaasa pa sa kaniya ang anak na si Katie.
“Hindi naman ako pwede mag-dwell doon sa past na kasi like may anak ako, kailangan ko magtrabaho. Kung di ako magtatrabaho, sinong bubuhay sa anak ko? Kailangan ko magpaka-strong kasi may umaasa sakin,” sabi ng aktres.
Pag-amin pa ni Katrina, naging malaking tulong sa pag-move on niya si Katie dahil ginanahan siyang magtrabaho at mag-shooting na naging distraction niya mula sa kalungkutan. Aniya, nagshu-shoot siya noon ng Black Rider at Mommy Dearest ng sabay.
Nang tanungin ni Nelson Canlas kung kinaya niya ang trabaho, sinabi ng aktres, “Kinaya kasi kailangan.”
Paliwanag ni Katrina, “I mean anong gagawin ko iiyak ako ng iiyak sa bahay? Ang ginagawa ko magte-taping ako, iho-hold ko lang ang sarili ko, di ako wala akong kakausapin, mag-te-taping ako. After ng taping, punta ng wake. Doon ako bubuhos. Naho-hold ko siya, kaysa wala akong taping tulala ako sa bahay, iiyak, ganiyan.”
BALIKAN ANG ILAN SA MGA TOUCHING TRIBUTES NG CELEBRITIES SA NAMAYAPA NILANG MAHAL SA BUHAY SA GALLERY NA ITO:
Sinabi rin ni Katrina na naging madali rin na tanggapin ang nangyari dahil alam niyang may dahilan si God para dito. Sa ngayon, ang gagawin na lang nila ay baunin ang mga naiwan na magagandang memories ni Jeremy sa kanila.
“Siyempre, baunin na lang natin kung ano yung mga naiwan na magagandang memories. Ano yung natutunan ko sa kaniya. So mas yun yung inisip ko. Ano yung magagandang naiiwan niya sa akin?” sabi ng aktres.
Aminado si Katrina na hindi pa niya masasabi kung handa na ba siyang ma-in love ulit. Ngunit sinabi rin ng aktres na ayaw niya muna magsalita dahil sa ngayon, mas gusto niyang mas pagtuunan ng pansin ang kaniyang career at anak na si Katie.
“And kasi alangan naman sabihin kong hindi ako ready tapos baka mamaya bigla akong mainlove. Hindi natin masasabi kasi di ba?” sabi ni Katrina.
Ngunit paglilinaw ng aktres, “Hindi naman open na open, pero hindi lang ako nagsasabing yes or no.
Pakinggan ang buong panayam kay Katrina dito: