What's on TV

Katrina Halili, ano ang ikinatuwa sa mga naging role sa 'Wagas?'

By Bianca Geli
Published August 15, 2019 7:35 PM PHT
Updated August 15, 2019 8:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr: 3 more EDSA Busway stations in 2026
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili smiling


Naipakita raw ni Katrina Halili sa mga naging appearance niya noon sa 'Wagas' ang kanyang ibang side sa acting.

Malapit na magbalik teleserye si Katrina Halili para sa Prima Donnas kung saan gaganap siya bilang si Lilian Madreal, isang surrogate mother sa tatlong batang babae.

Katrina Halili
Katrina Halili

Three siblings in search of their rightful place as heiresses on GMA's Prima Donnas

Kuwento ni Katrina sa naganap na press conference ng Prima Donnas, masaya siyang nabigyan siya ng role na hindi kontrabida. Matagal niya na raw itong hinihiling, lalo na sa kanyang mga naging guesting noon sa romance anthology na Wagas.

Ang unang istorya ng Wagas sa GMA-7 ay pinamagatang 'Throwback Pag-ibig' na mapapanood na simula September. Pinagbibidahan ito nina Sunshine Dizon, Mike Tan, at Leanne Bautista.

'Wagas,' magbabalik at mapapanood na sa GMA-7

“Kahit naman before na puro kontrabida 'yung binibigay nila sa akin, lagi kong sinasabi sa manager ko na 'yung mga guesting ko sa Wagas, sana iba naman.

“Kasi iniiwasan ko lang na kontrabida na lang lagi, hanggang pati guesting ganun pa rin. Gusto ko naman maiba.”

Naipakita raw ni Katrina sa mga naging appearance niya noon sa Wagas ang kanyang ibang side sa acting. Looking forward daw siyang mapanood muli ng lahat ang mabait na side niya sa telebisyon para sa Prima Donnas.

“So ngayon happy ako na nabigyan naman nila ako ng mabait na role sa Prima Donnas,” pahayag ni Katrina.

Abangan si Katrina Halili bilang Lilian sa Prima Donnas simula August 19 sa GMA Afternoon Prime!