
Napaamin ang aktres at komedyanteng si Arny Ross na sa tingin niya ay deserve niyang manalo noong sumali siya sa reality TV show na Protégé: The Battle For The Big Artista Break noong 2011 kung saan nanalo sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino.
Sa vlog ni Katrina Halili, sinubukan nila ang nausong lie detector test na nabibili lamang online.
Ang tanong kay Arny ay "Naniniwala ka ba na ikaw talaga ang deserving na maging grand champion doon?"
Sagot ni Arny, "No. No. Alam kong deserve talaga nila [na sila 'yung nanalo.]"
Nakuryente si Arny na ang ibig sabihin ay nagsisinungaling ito.
Saad ni Katrina, "Alam mo 'wag ka magpaka-plastic. Siyempre sumali ka doon gusto mong manalo 'di ba?"
Sa dulo, umamin si Arny na deserve niya rin manalo dahil sa mga pinagdaanan niya sa kompetitsyon.
Aniya, "Deserve ko talaga 'yan. Ako dapat 'yan, e."
"Deserve ko talaga 'yan."
Natanggal si Arny sa Protege sa ika-6 na linggo ng show.
Panoorin ang nakakatuwang vlog nina Katrina at Arny:
Mapapanood si Katrina sa afternoon drama na Prima Donnas samantalang tuloy-tuloy angpagpapatawa ni Arny sa Bubble Gang.