
Reunited ang Prima Donnas stars na sina Katrina Halili at James Blanco sa “Ghost Child” episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, October 9.
Kilala sina Katrina at James sa pagganap nila bilang Lilian at Ruben sa Prima Donnas, ngunit sa “Ghost Child” episode, gaganap sila bilang mag-asawang sina Eloisa at Tom.
Matagal na nangarap ang mag-asawang sina Eloisa at Tom na magkaanak. Isang araw ay natupad naman ito nang dumating sa buhay nila ang anak nilang babae na si Princess (Patricia Coma).
Katrina Halili at James Blanco bilang Eloisa at Tom sa “Ghost Child” episode ng bagong Wish Ko Lang / Source: Wish Ko Lang
Nang lumaki si Princess ay napagtanto nilang may sakit sa pag-iisip ang anak at naging katuwang nila sa pag-aalaga nito ang yaya na si Brenda (Brenda Mage).
Sa kasamaang-palad, dahil sa isang 'di inaasahang pangyayari, ay mamamatay ang anak nilang si Princess.
Labis na ikinalungkot ni Eloisa ang pangyayari, ngunit tila agad namang pinawi ng Diyos ang sakit na kanyang nararamdaman nang malaman niyang nagdadalang-tao siya sa kanilang pangalawang anak na si Angelo (Clarice Delgado).
Maayos na sana ang lahat sa buhay nina Eloisa, Tom, at anak nilang si Angelo, ngunit nang lumaki na si Angelo ay muling nagbalik ang multo ng nakaraan nina Eloisa at Tom.
Sina Clarence Delgado at Patricia Coma sa “Ghost Child” / Source: Wish Ko Lang
Sa panayam ni Lhar Santiago kay Katrina Halili sa 24 Oras, ikinuwento ng aktes ang magiging problema ng mag-asawang Tom at Eloisa sa bagong Wish Ko Lang episode.
“Hina-haunt kami ng anak naming na namatay,” Ani Karina. “Siyempre, dahil nga marami kaming pagkukulang sa kanya, parang ginagantihan niya 'yung anak namin.”
Bakit kaya muling nagparamdam ang namayapang anak nina Eloisa at Tom? Ano kaya ang makakapagpatahimik sa kanya?
Huwag 'yan palalampasin sa “Ghost Child” episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: