GMA Logo Katrina Halili and Jon Lucas
What's Hot

Katrina Halili at Jon Lucas, bibida sa 'Wish Ko Lang' ngayong January 14

By Aimee Anoc
Published January 11, 2023 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili and Jon Lucas


Abangan ang natatanging pagganap nina Katrina Halili at Jon Lucas sa "Wish Ko Lang: Paluwagan" ngayong Sabado sa GMA.

Nagbabalik sa Wish Ko Lang ngayong Sabado si Katrina Halili para bigyang-buhay ang kuwento ng misis na si Sara, na pinagtaksilan at niloko ng asawa.

Makakasama ni Katrina sa "Wish Ko Lang: Paluwagan" si Jon Lucas na gaganap naman bilang Tutoy, ang babaero niyang mister.

Base sa trailer na inilabas ng programa, napilitan si Sara na sumali sa isang paluwagan para lamang mapagbigyan ang hiling ng mister na kumuha ng hulugang motor.

Pero ang hindi alam ni Sara, niloloko na siya ni Tutoy at ginawang mga babae ang mga kasama niya sa paluwagan.

"Akala ko sa paluwagan lang ako maloloko, pati rin pala sa asawa," kwento ni Sara sa Wish Ko Lang.

Makakasama rin nina Katrina at Jon sa upcoming episode sina Phoebe Walker (Lorna), Coleen Perez (Cecille), Lara Morena (Lindsey), Pepita Curtis (Pam), at Aya Anunciacion (Ate Rej).

Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Paluwagan" ngayong Sabado, January 14, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG SEXIEST LOOKS NI KATRINA HALILI SA GALLERY NA ITO: