
Kahanga-hanga ang ex-partners na sina Kapuso actress Katrina Halili at singer na si Kris Lawrence.
Nananatili kasing healthy ang kanilang co-parenting relationship para sa anak na si Katie.
Image Source: katrina_halili (Instagram)
Kamakailan lang, magkasamang pumunta sina Katrina at Kris sa chiropractor para ipakonsulta si Katie.
Ibinahagi ng actress ang ilang pictures nila kasama ang celebrity chiropractor na si Rob Walcher.
"Kris brought Katie and me to see @docrobchiropractic @docrob74 , to help correct her posture and ease her back pain. I also gave it a try for my back and hips. Grateful for the support, here's to better health…," sulat ni Katrina sa Instagram.
Ilang araw bago nito, nag-bonding na rin ang tatlo nang sinamahan nina Katrina at Katie si Kris noong nag-perform siya sa Wish Bus.
"Thank you for coming with me on the @wish1075 bus @katrina_halili & Katie while i sang ' 'Nobody., Full vid on my youtube channel - Link in bio… Wishers, keep on wishing!" sulat ni Kris sa Instagram.
Samantala, natapos na rin kamakailan ni Katie ang kanyang stem cell therapy.
SILIPIN ANG HEALTHY CO-PARENTING NINA KATRINA HALILI AT KRIS LAWRENCE RITO: