
Sumailalim sa isang feel-good lie detector test ang ex-couple na sina Katrina Halili at Kris Lawrence para sa YouTube vlog ng Kapuso actress.
Sa vlog, kasama nila ang kanilang 13-year-old daughter na si Katie.
Dito, sinagot nina Katrina at Kris ang ilang taong tungkol sa kanilang personal na buhay, kabilang na ang kanilang relasyon.
Sa unang tanong, sinabi ni Katrina na proud siya sa character development ni Kris.
Aniya, "Syempre lahat naman tayo nagma-mature. Basta kami ngayon, gagawin lang namin yung best para kay Katie."
Mapapanood sa vlog na magaan ang pakikitungo ng dating magkasintahan sa isa't isa sa kabila ng kanilang hiwalayan noon.
Kaya naman, sa sumunod na tanong, sinagot ni Katrina na wala na siyang tampo kay Kris ngayon.
Naging malaman naman ang sagot ni Kris sa tanong na: "Kung babalik ka sa nakaraan, pipiliin mo pa rin bang pumasok sa relasyon na kasama si Katrina?"
Tugon ng R&B singer, "Syempre, if I didn't, wala si Katie."
May mga pinanghinayangan ba si Katrina nang mag-break sila ni Kris?
Sagot ng aktres, "No, happy naman ako kung ano yung meron kami ngayon...siguro mas okay kami na ganito, 'di ba? Baka mas mag-usap pa."
Sinang-ayunan naman ito ni Kris. Ika niya, "Yeah, honestly, whatever is happening right now, I love where it heads. Communication lines are open and everything is flowing so beautifully so let's just keep it going so everybody's happy."
Isa rin sa mga napag-usapan ang posibilidad na magkatuluyan sina Katrina at Kris sa huli kung pareho silang single 10 years from now.
Sabi ni Kris, "Why not? It's too far from the future. Anything's possible siguro if in 10 years we're both single." May kasalukuyang partner ngayon si Kris na si Carmina Kate de Leon.
Naging safe naman ang sagot ni Katrina kung may chance na maging sila ni Kris. "Di natin alam kung ano yung pwedeng mangyari bukas or whatever."
May nakababatang anak si Kris na si Lyric, na ipinanganak noong October 2019.
Panoorin ang vlog ni Katrina:
Video courtesy of Katrina Halili (YouTube)
RELATED GALLERY: Katrina Halili celebrates birthday with her blended family