GMA Logo katrina halili and mona louise rey
Celebrity Life

Katrina Halili at Mona Louise Rey, may mini reunion

By Kristian Eric Javier
Published August 13, 2025 4:58 PM PHT
Updated August 14, 2025 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

katrina halili and mona louise rey


Katrina Halili, sa muling pagkikita nila ni Mona: "Last ko siyang nakita wala pa akong Katie."

Matapos ang halos 13 taon, muling nagkita ang Munting Heredera co-stars na sina Katrina Halili at Mona Louise Rey.

Sa Facebook, nag-post si Katrina ng litrato nila ni Mona noong bumisita sila ni Katie sa bahay ng Ate Ivana Alawi ng kaniyang dating co-star.

Caption ng Kapuso actress sa kaniyang post, “Nagkita na din kami ng Mona.. grabe hindi na baby, last ko siyang nakita wala pa akong katie, 2011”

BALIKAN ANG PAGBABALIK NI KATRINA SA SPARKLE SA GALLERY NA ITO:

Samantala, sa Facebook Reel naman ni Katrina ay nag-post siya ng teaser ng pagbisita nila ni Katie kina Ivana na mapapanood sa kanilang Youtube Vlog. Sa naturang short video, makikita sina Katrina at Katie na nag-uusap. Maririnig na inaaya na ni Katrina si Katie na umuwi dahil nag-extend na daw sila sa bahay ni Tita Ivana.

Nasa video din si Ivana kung saan sinabi nito na drama series ang nangyayari sa mag-ina, at dapat umano abangan ang susunod na kabanata.

Matatandaan na kamakailan lang ay kasama ni Ivana sina Katrina at Katie para sa isang "Can't Say No" challenge kung saan nag-toy shopping si Katie.

Sa post ni Katrina sa kaniyang Instagram, ikinuwento niyang pagkatapos ng naturang challenge ay nagpunta sila ni Katie sa bahay nina Ivana. Aniya, ang usapan nila ni Katie ay silang dalawa na lang ang maglalaro ng slime, ngunit tila nakampante na si Katie sa kaniyang tita.

“Nagulat nalang ako at sa sobrang kampante ata ni katie at na enjoy talaga kasama si Tita ivana, inaya din niya maglaro. Sa totoo lang po, inabot kami nga gabi, hindi namalayan ang oras, pati ni Ivana,” saad ni Katrina.

Dahil dito, pinasalamatan ng Kapuso actress si Ivana at sa buong pamilya nito para sa pagtanggap sa kanila ni Katie sa kanilang tahanan. Ramdam din umano ni Katrina ang pagiging genuine ng actress-influencer.

Naging malaking tulong din sina Ivana at Mona sa YouTube account nila ni Katie, lalo na sa mga bagay na hindi niya naiintindihan.

“Grabe sa oras na binibigay niya sa amin, blessed kami to meet her, at mas makilala siya hindi lang sa Channel niya.. Kaya naman nagpa-ampon na rin kami sa kanya hehe! We Love you Alawi Family, and [siyempre] kuya Perry Lansigan at sa team ni Ivana maraming salamat po ulet,” pagtatapos ni Katrina.

A post shared by Maria Katrina Halili (@katrina_halili)