
Sina Katrina Halili at Rochelle Pangilinan ang bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Bibigyang-buhay niya ang isang kakaibang kuwento ng pagpapatawad at pagkakaibigan sa "Karibal Noon, Beshie Ngayon."
Gaganap si Katrina bilang housewife na si Marie, habang si Rochelle naman ay ang single mom na si Carol.
Makikilala ni Carol ang asawa ni Marie na si Joey, karakter ni Dion Ignacio, at magkakaroon ng relasyon ang dalawang ito.
Malalaman ni Marie ang pakikiapid ng asawa kaya galit siyang susugurin ang mga ito.
Paano kaya magkakaroon ng kapatawaran sa pagitan nina Marie at Carol?
Ano ang mga sakripisyong ginawa nila para maging matalik na magkaibigan sa kabila ng matinding pinagdaanan?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Karibal Noon, Beshie Ngayon," August 23, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.