Article Inside Page
Showbiz News
Dalawang magkasunod na taon nang nakokopo ni Katrina Halili ang korona bilang Sexiest Woman in the Philippines base sa isang men's magazine.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered!
Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world.
Dalawang magkasunod na taon nang nakokopo ni
Katrina Halili ang korona bilang Sexiest Woman in the Philippines base sa isang men's magazine. Tulad noong nakaraang taon, muling naungusan ni Katrina si
Angel Locsin para sa top spot, pati na si Angelica Panganiban. Si Angel ay nasa third spot, samantalang pumang-apat naman si Angelica.

Dahil sa pangyayaring ito, may mga intrigang nagsasabi na talbog talaga ang dalawang Angel sa kaseksihan ni Katrina. Subalit ayaw namang sabihin ni Katrina na natalbugan niya ang dalawa pang sexy young actresses.
"Masayang-masaya po ako sa pagkapanalo ko ulit. Flattering po talaga dahil for two consecutive years ay ako ang ibinoto ng mga tao. Pero ayoko naman pong sabihin na tinalbugan ko sina Angel at Angelica.
"Hindi ko naman po sila natalbugan, wala pong talbugan dito, e. Kasi hindi naman ito contest, mga tao bale ang nagde-decide. Pare-pareho naman kaming nasa Top 5, kaya malaking bagay na 'yon. Actually, kahit wala pa sa Top 5, mapasali lang sa Top 10 ay masaya na," pahayag ni Katrina nang tawagan namin siya sa telepono.
Sinabi rin ng sexy young actress na malaki ang utang na loob niya sa TV series nilang
Lupin na pinagbibidahan ni
Richard Gutierrez. Ang magandang exposure niya raw dito ay nakatulong para mas iboto siya ng publiko.
Madalas na sexy outfit ang suot ni Katrina sa naturang TV series ng GMA-7. Kahit pa hindi sa beach o sa swimming pool ang mga eksena nila ay normal lang na kita ang cleavage niya at litaw ang kanyang legs.
"Malaking bagay po 'yung exposure ko sa
Lupin, mga sexy kasi talaga ang suot namin doon, e. Pati nga si
Ehra [Madrigal, her co-star] aminado rito, kaya nga siya nag-No. 5," sabi ni Katrina.
Ayon pa sa
StarStruck graduate, ang sikreto niya sa pagme-maintain ng kanyang magandang figure ay ang sobrang pagda-diet. Hindi raw siya nagpupunta sa gym, subalit mahilig siyang maglakad at ito ang kanyang pinaka-regular form of exercise.
"No rice talaga ako at hilig ko lang talaga ang maglakad-lakad. After kain nga, naglalakad-lakad na ako agad. Hindi ko alam bakit, pero parang ito na ang pinaka-exercise ko.
"Basta wala rin lang trabaho, hindi ako mahilig gumimik o maglakwatsa. Sa pagpapaganda talaga ako nagpupunta. Bukod po sa pagda-diet, nagpupunta ako sa Belo Clinic at Flawless kapag walang trabaho," kuwento ni Katrina.
Lastly, ano kaya ang comment niya sa ibang nagsasabi na ang ilang mga aktres na cover girl sa men's magazine ay niretoke lang ng computer?
"Well, sa part ko po, kaya nga nag-decide akong magpapayat, medyo chubby kasi ako before, e. Kaya ngayon, natural ang katawan ko at hindi ito produkto ng Photoshop.
"Last year pa po ay okay na talaga ang katawan ko bago ako nag-FHM, ayoko kasing masabihan na fake o nandadaya. Ang pangit ng ganoon, di ba?
"Kasi kapag artista ka, tapos nagbe-bathing suit o nagpo-pose ka sa men's magazine, dapat ikaw mismo sa sarili mo, dapat alagan mo ang katawan mo para walang magsasabi na wala kang K magpa-sexy o mag-pose sa mga magazine," sabi ni Katrina. --
PEP (Philippine EntertainmentPortal)
Do you have anything to say to Katrina? You have the chance to chat with her live on Friday, July 6 from 5 to 6 pm -- only here on iGMA.tv! So if you're not registered yet,
register now!
In the meantime, talk about Katrina at the
iGMA forums, and catch her every weeknights on
Lupin after
Impostora.