What's Hot

Katrina Halili fights against sex video scandal culprits:

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 4, 2020 9:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firecracker-related injuries in Region 1 reach 29
Dueñas, Iloilo vice mayor's partner asked to undergo paraffin test – Iloilo police
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Kahapon ay nagtungo ang young actress na si Katrina Halili sa Senate office, sa mismong opisina ni Senator Bong Revilla, kasama ang kanyang handler at lawyer.
Kahapon, May 20, at around 1:00 p.m. ay nagtungo ang young actress na si Katrina Halili sa Senate office, sa mismong opisina ni Senator Bong Revilla, kasama ang kanyang handler at lawyer. Kaugnay ng sex video na kumakalat ngayon sa Internet at DVD ang naging sadya ni Katrina. Sa paglabas ng kuha ng mga private moment nila ni Hayden Kho, nais humingi ng tulong ng 23-year-old actress tungkol sa mga hakbang na dapat niyang gawin laban sa tao o mga taong nasa likod ng iskandalo.stars Sa loob ng kuwarto ng nasabing action star, nagkaroon ng pag-uusap si Katrina at ang dalawang abogado na mag-aasikaso ng pagsasampa niya ng reklamo, sina Atty. Mamyrlito Tan at Raymond Palad. Pagkatapos nito, sumunod naman na pinuntahan ni Katrina ang opisina ng N.B.I (National Bureau of Investigation) para pormal na mag-file ng complaint laban kay Hayden Kho. Sa pagkakataong ito ay nakapanayam siya ng ilang media, kabilang ang TV crew ng Saksi ng GMA-7. Noong siya ay nainterbyu, hindi na napigilan ni Katrina ang maging emotional at kitang-kita sa telebisyon ang walang patid na luha ng aktres. Ayon sa StarStruck alumna, "Nagpapasalamat po ako sa lahat ng taong tumutulong sa akin. Basta po, hindi po ako uurong. Dapat lang po na magbayad ang mga taong gumawa nito, pati yung mga taong nagkalat ng video. Kasi, napakawalanghiya nila." Handa na rin daw si Katrina sa lahat ng kahihiyan na aanihin niya sa iskandalong ito. At ang hangad niya ay magsilbing aral ito para sa ibang kababaihan upang hindi na maulit. "Lalaban po ako sa kanila. Wala po akong pakialam. Basta gusto ko, magkaroon ng takot yung mga taong gumawa ng ganito ulit," ang nasambit ng Kapuso star. Ayon naman sa N.B.I., ipapatawag daw nila si Hayden para imbestigahan ang mga posibleng pangyayari sa likod ng kumakalat na sex video. Hahanapin din daw nila ang mga taong nagkalat nito sa Internet. Sa ngayon, wala pang batas ukol sa pagkalat ng malalaswang video at iba pang material gamit ang Internet bilang medium. Pero ayon kay Senator Bong, puwede raw kasuhan si Hayden sa paglabag sa Anti-violence Against Women and Children's Act ng 2004. Pagkatapos ng NBI, nagtungo rin si Katrina sa tanggapan ni Justice Secretary Raul Gonzalez sa DOJ (Department of Justice), na nagsagawa na rin ng hakbang na ipalagay si Hayden sa immigration watch list sa loob ng 60 days para matiyak na makakasipot ito sakaling ipatawag sa imbestigasyon. Kasabay nito, umapela na rin si Bong sa iba pang biktima na lumabas na rin daw at maghain ng reklamo. Samantala, hinihimok naman ng Malacañang ang publiko na huwag nang kunsintihin ang paglaganap ng naturang sex video. -- PEP.ph