What's on TV

Katrina Halili, gaganap bilang kasambahay na magmamahal sa amo sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published March 13, 2026 1:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Kyle Villamor drops 32 as San Sebastian ousts JRU to reach QF
Chef JR Royol, bibisita sa farm ni Susan Enriquez sa 'Farm to Table'
Gazini Ganados is competing in the MGI All Stars pageant

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina halili


Bibigyang-buhay ni Katrina Halili ang kuwento ng isang kasambahay sa bagong episode ng 'Magpakailanman.'

Si Kapuso actress Katrina Halili ang bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Bibigyang-buhay niya ng kakaibang kuwento ng isang kasambahay sa episode na pinamgatang "Amo Ko, Mahal Ko."


Gaganap si Katrina bilang Juliet, solo parent na luluwas ng Maynila para maging caregiver sa babaeng bedridden at asawa nitong may edad na rin.

Nang mamatay ang babae, liligawan si Juliet ng amo niyang lalaki.

Bukod sa magkaibang estado sa buhay, magiging hadlang din ba ang malaking agwat sa kanilang mga edad?

Makakasama ni Katrina sa episode sina Raymond Bagatsing, Melissa Avelino, Dom Pangilinan, at Tart Carlos.

Abangan ang brand-new episode na "Amo Ko, Mahal Ko," March 14, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.