What's Hot

Katrina Halili gets more blessings for playing Angelika in "Marimar"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 31, 2020 1:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking estudyante, sinaktan ang babaeng kaklase sa loob ng eskwelahan sa Quezon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Nakita in action ng PEP kung gaano kasipag ang young sexy actress na si Katrina Halili.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Nakita in action ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung gaano kasipag ang young sexy actress na si Katrina Halili. Pagdating nito sa Stotsenberg Hotel sa Clark, Pampanga, noong Thursday ng hapon, November 1, agad nagpa-make-up si Katrina para makapagsimula agad ng taping ng MariMar. Sa sasakyan na siya kumain, kaya tubig na lang ang hiningi niya sa staff. Sa liksi ni Katrina, hindi halatang pagod siya dahil 6:30 a.m. na natapos ang shooting niya ng "Engkanto" episode ng Shake, Rattle, & Roll 9, na sa Puerto Azul pa ang location. Umuwi lang ito para maligo, magbihis at kumuha ng gamit, at bumiyahe na sa Clark para mag-taping, na aabutin ng Friday morning (November 2). starsMaayos ang schedule ni Katrina kaya kahit maraming trabaho, walang nasasagasaang schedule. Monday, Tuesday, at Thursday ang taping niya for MariMar; Wednesday ang shooting ng Shake, Rattle & Roll 9; Friday, Saturday, at Sunday, para sa iba niyang raket. Natutuwa si Katrina dahil kahit kontrabida ang role niya sa Marimar, naaasar lang sa kanya ang viewers at wala pa talagang lumapit para sabihing galit sa kanya. "Angelika na ang tawag sa akin kahit saan ako magpunta, pati mga bata. Ang galing-galing ko raw. Alam kong may mga nagagalit sa akin, pero puro kuwento lang ang naririnig ko at pag kaharap ako, hindi sila galit," lahad ni Katrina. Okay lang daw kay Katrina kung may mga nagagalit na fans dahil marami rin namang magagandang kapalit na ibinigay ang MariMar sa kanya sa pagiging kontrabida niya. "Nakatulong sa akin lahat ng soap na ginawa ko, pero mas malaki ang impact sa akin ng MariMar," sabi niya. "Mas marami ang nakakilala sa akin, pati nga mga bata. Dumami rin ang raket ko at pati corporate shows, naiimbita na ako, at mas dumami ang out-of-town shows ko." Si Katrina ang mas madalas magpalit ng damit sa buong cast ng MariMar. Between 10 to 12 dresses ang nasusuot niya in one taping day. Pasalamat ito na nahanapan siya ng sponsor ng staff dahil kung hindi ay sa damit, sapatos, at accessories lang mapupunta ang talent fee niya rito. During the first few days of taping ng MariMar ay si Katrina raw ang bumibili ng mga isinusuot niya sa taping at madugo raw sa bulsa. Nanghihinayang nga lang siya ngayon dahil puro pahiram lang ang mga damit at hindi niya naiuuwi. Nakita rin ng PEP nang magbeso-beso si Katrina at ang co-star niyang si Marian Rivera nang dumating ang huli, kaya hindi totoong hindi sila magkasundo. Itinanggi rin ni Katrina ang tsismis na galit siya kay Marian. Samantala, abangan ang paglabas ng billboard ni Katrina ng Body by Belo kung saan very sexy ang kanyang picture. This Friday, November 9, ay naka-schedule din siyang mag-pictorial for FHM. Kasama niya sa cover si Cristine Reyes. May ibinalita rin si Katrina na may pinaplano siyang "very big" na ayaw niyang sabihin kung ano. Kahit anong pamimilit ng PEP na humingi ng clue ay ayaw nitong magbigay, pero malabong birthday party niya dahil sa January pa ang kanyang kaarawan. "Wait na lang kayo at malalaman ninyo kung ano ito. Soon, very soon ay malalaman ninyo!" pambibitin ni Katrina. -- PEP (Philippine Entertainment Portal) What do you think is Katrina's surprise? Do you think Katrina should keep doing antagonistic roles? Talk about it at the iGMA forums! And if you're not yet registered, you can register now! Who knows, you might even get to chat with your favorite Kapuso stars through iGMA Live Chat! If you want to be the first to know about showbiz scoops, find out from the stars themselves! Feel the Fun through Fanatxt by texting KATRINA to 4627! (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, while it costs PhP2.00 for Sun subscribers.) Catch Katrina as the deliciously evil Angelika Santibanez every weeknight on MariMar after episodes of Zaido: Pulis Pagkalawakan.