
Malaki ang naging pasasalamat ni Kapuso actress Katrina Halili para sa tiwala na binigay sa kaniya na gampanan ang karakter na si Emma sa hit GMA Afternoon Prime series na Mommy Dearest.
Sa Facebook nitong Lunes, July 14, nagbahagi ng ilang litrato si Katrina mula sa serye at ilan na mula sa behind the scenes ng kanilang taping. Kalakip nito ang mensahe niya ng pasasalamat sa network at sa creatives ng kanilang serye.
“Thank you GMA network, sa mga bosses, production team, creatives ng Mommy Dearest, salamat po sa tiwala na ibinigay niyo po sa akin Para gampanan si Emma,” sabi ni Katrina.
Kasama ni Katrina sa serye sina Camille Prats, na gumaganap bilang sina Olive at Jade, si Shayne Sava na ginagampanan naman ang karakter ni Mookie, at si Dion Ignacio bilang si Danilo.
Ayon sa aktres, ginawa niyang inspirasyon ang real-life daughter na si Katie para gampanan ang pagiging ina niya kay Mookie habang ginagawa nila ni Shayne ang kanilang mga eksena.
Pinasalamatan din ni Katrina ang iba pa niyang co-stars para sa pagkakaibigan at pagiging pamilya na nabuo sa pagitan nila.
“Sa mga taong nagmahal at sumuporta sa Mommy Dearest marami ng salamat po… Panuorin po natin ang huling linggo ng mommy dearest,” pagtatapos ni Katrina.
TINGNAN ANG PAGBABALIK NI KATRINA SA SPARKLE SA GALLERY NA ITO: