What's Hot

Katrina Halili: "Gusto ko nang makalimutan ang lahat."

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 19, 2020 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rodrigo Duterte’s fitness to stand ICC trial to be determined by January – Conti
First Airbus A350-1000 in Southeast Asia arrives in the Philippines
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City

Article Inside Page


Showbiz News



Isa ang iGMA sa unang pinagkatiwalaan ni Katrina ng exclusive interview matapos i-announce na siya si Fedra sa Rosalinda.
Isa ang iGMA sa mga unang pinagkatiwalaan ni Katrina Halili ng isang exclusive interview after i-announce na siya na nga ang gaganap na Fedra sa 'Rosalinda.' Ano nga ba ang masasabi ng kontrobersial na aktres ngayong balik-show business na siya? Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Connie M. Tungul. starsKitang-kita na nakabawi na si Katrina Halili, after nang lahat ng intriga na ibinato sa kanya simula ng maglabasan ang mga issues tungkol sa sex videos nila ni Hayden Kho, Jr. Nakangiti kaming hinarap ng young actress at sinagot niyang lahat ang aming mga tanong tungkol sa bago niyang role na gagampanan, si Fedra ng Rosalinda. "Thankful ako sa GMA na bingiyan nila ako ng chance na bumalik, tapos meron din mga projects din sila para sa akin after Rosalinda, so happy naman ako," ang panimula ni Katrina. "Sobrang happy ako na sa akin [ito] ipinagkatiwala. Actually, noong una pa lang na narinig ko na may Rosalinda, sabi ko gusto ko talagang mag-Fedra doon. Ako talaga mismo na nagsasabi na gusto ko, sa mga writeups. Natutuwa rin ako dahil si Direk Maryo [J. delos Reyes], nandoon. Sobrang favorite ko siya na director and sobrang family ko 'yung group ng Rosalinda kaya feel ko, safe ako," ang dagdag pa ni Katrina na halatang may konting reservations pa sa kanyang pagbabalik sa showbiz. "Actually, bumalik ako pero 'yung deal ko is purely soap lang. Wala akong mga live guestings na sasayaw pa o kakanta sa TV. [Sa promotion] pwede siguro, pero sa ngayon, hindi muna. Kasi sa nangyari sa akin, dapat nag-stop na nga ako. Pero dahil binigyan nila ako ng chance at gusto ko nang makalimutan na rin lang muna ang lahat, gusto ko muna na lumayo muna sa mga tao so purely soap lang talaga. Kung sa taping, taping lang talaga," ang maiging paliwanag pa ng aktres sa amin. Hindi din namin siya masisi kung iyon ang kanyang naging desisiyon dahil na rin sa mga nangyari. Pero sinabi man ni Katrina na gusto muna niyang makalimutan ang mga nangyari , in-assure naman niya kami na hindi naman niya papabayaan ang mga kaso na kanyang sinampa at ang kanyang mga ipinaglalaban, kahit pa maraming mga negative comments siyang naririnig. "Hindi ko na lang muna sila (detractors) pinapansin. Basta ako, magwo-work na lang muna ako tapos 'yung kaso, ipinapaubaya ko na lang sa korte," pagtatapos niya. Pag-usapan ang pagbabalik ni Katrina Halili sa iGMA Forum. Kamustahin si Katrina through her Fanatxt service. Text KATRINA and send to 4627. Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers. (This service is available only in the Philippines.)