Article Inside Page
Showbiz News
Busy with several projects, the young actress has so much to be thankful for. And the support of fans keeps her going despite all the intrigues.
With a Sunday variety show, a guest spot at prime time, and a major project in the works, Katrina Halili indeed has so much to be thankful for. And the support of her fans keeps her going despite all the controversies. Text by Karen de Castro. Photos by Mitch Mauricio.
Maraming ipinagpapasalamat si Katrina Halili sa kanyang buhay ngayon.
She’s part of the
Party Pilipinas gang which livens up our Sundays at magkakaroon din siya ng guest appearance sa
Panday Kids. May hinihintay pa siyang project na inaasahang magsisimula this April.
Bukod pa dito, unti-unti na ring umuusad ang kanyang kaso that stemmed from a huge controversy last year. Nalampasan na rin daw niya ang issue na lumabas kamakailan tungkol sa kanyang supposed financial problem.

Despite all the intrigues, Katrina says she has learned a lot from the experience. “Natutunan ko pahalagahan ang sarili ko. Nakilala ko ang mga totoo kong kaibigan na nagmamahal sa akin. Mas pinatatag ako ng experience na ito kasi binago nito ang takbo ng buhay ko,” kuwento ni Katrina sa exclusive interview with iGMA.tv.
“Kung dati nag-aartista lang ako dahil gusto ko at nae-enjoy ko, ngayon mas focused na ako at natutunan ko pahalagahan ang lahat ng blessings na dumadating sa buhay ko,” dagdag pa niya.
Mas natututukan na ni Katrina ang kanyang career mula nang maghiwalay sila ng kanyang dating boyfriend, ang singer na si Kris Lawrence at hindi pa daw siya handang maging romantically involved ulit.
“Gaya ng nasabi ko sa mga past interviews sa ‘kin, kapag wala nang offers at projects, handa naman na akong umuwi sa probinsya. Siguro by that time, handa na akong pumasok sa isang relationship. Unfair kasi sa magiging partner ko kung kami pero hindi ko siya napag-uukulan ng time and attention,” she explains.
Pero mayroon kayang masugid na manliligaw ang tinaguriang sexiest woman ng bansa noong 2006 and 2007?
“Naku wala po. Kahit naman noon hindi talaga ako ligawin. Lalo na ngayon na hindi naman ako halos lumalabas ng bahay. Kapag may trabaho lang talaga ako saka lang ako umaalis.”
Ano pa kaya ang gustong ma-achieve ni Katrina sa kanyang career? “Gusto kong mapatunayan sa tao at sa sarili ko na may talent ako kaya ako nandito sa industriyang ito. Nandito lang naman ako kasi gusto pa nila ako,” ang sagot niya sa amin.
At bilang pasasalamat sa mga fans, naglaan si Katrina ng panahon para makasama ang mga taong patuloy ang pagsuporta sa kanya sa kabila ng mga issues at intriga. Isang Grand Fans Day ang gaganapin ngayong Sabado, April 10, 2010 at 5 p.m. sa Event Center ng SM Manila. She will spend an afternoon with her fans, plus may mga games and surprises pa siyang inihanda.
Excited ka na ba sa fans day ni Katrina? Pag-usapan ito sa mas pinagandang
iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
Be updated kay Katrina.
Just type KATRINA (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.