Nagkapatawaran na ang 'The Rich Man’s Daughter' star na si Katrina Halili, Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.
By CHERRY SUN
Nagkapatawaran na ang The Rich Man’s Daughter star na si Katrina Halili, Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.
Sa Instagram post ng celebrity cosmetics surgeon, makikitang kasama niya sina Katrina, Hayden at ang beteranong talent manager na si Lolit Solis. Ayon sa doktora ay mahigit isang linggo na ang nakalipas nang nagtagpo-tagpo sila
Aniya, “I always believe in forgiving but I have to admit that it's not easy . But, if God can forgive us for all our sins who are we not to do the same.”
“Being bitter and unforgiving enslaves you and not the other person . To God be all the glory,” dugtong ni Dra. Vicki.
Mahigit limang taon na ang nakalipas nang kumalat ang kontrobersyal na video nina Katrina at Hayden. Umabot ang naturang eskandalo hanggang senado na nagdulot ng pagkabawi ng medical license ni Hayden.