GMA Logo Katrina Halili
What's Hot

Katrina Halili, hindi inasahan ang pagpasok niya sa showbiz

By Kristian Eric Javier
Published October 26, 2024 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Soberano hangs out with 'KPop Demon Hunters' singer Arden Cho
Why your fire safety plan needs financial backup
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili


Hindi man niya inasahan, nae-enjoy na ngayon ni Katrina Halili ang pag-arte at pagiging isang artista.

Nakilala si Sparkle star Katrina Halili bilang isa sa first batch ng hit artista search reality competition na StarStruck. Ayon pa s aktres, hindi niya alam na first love niya ang pag-arte lalo na at aksidente lang naman ang pag-aartista niya.

“Hindi ko naman alam na first love ko siya. Aksidente lang naman 'yung pag-aartista ko. 'di ba? Like sa StarStruck nga hindi ako nag-audition. Lahat 'yun aksidente lang, pero siyempre 'yung aksidente na 'yun nagustuhan ko na rin. At sobrang love ko ngayon, sabi ni Katrina sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast.

Pagbalik-tanaw pa ni Katrina, may lumapit lang sa kaniya sa isang party at sinabihan siya na pasok na siya sa Top 100 ng reality competition.

Aminado naman si Katrina na bata pa lang ay hooked na hooked na siya sa mga soap opera, ngunit hindi niya inasahan na magiging parte siya ng industriya.

“Ako na 'yung makikita sa TV, ako na 'yung panunuorin. Never ko inisip kasi mahiyain ako e. Pero wala namang maniniwala kasi,” sabi ng akres.

TINGNAN KUNG NASAAN NA NGAYON ANG BATCH 1 NG 'STARSTRUCK' SA GALLERY NA ITO:


Sinabi rin ni Katrina na hindi niya kailanman naisip na sisikat siya bilang isang artista dahil wala naman siyang talent, na sinabi rin niya noon sa nag-recruit sa kaniya.

“Kasi sabi, interview-hin daw ako. Sabi ko siyempre shy type ako ayoko naman magpa-interview. Tapos sabi, ano'ng talent n'yo? Sabi ko, ay wala po akong talent. Sabi niya kumakanta ka ba, sumasayaw, umaarte, hosting? Sabi ko ay wala po ate,” pag-alala ni Katrina.

Kamakailan lang ay natapos na ang action drama series na Black Rider kung saan kabilang si Katrina. Ngayon ay abala siya sa taping ng upcoming drama na Mommy Dearest kung saan muli siyang gaganap bilang isang ina at makakasama sina Camille Prats at Dion Ignacio.

“Naha-happy naman ako kasi lahat ng mga roles ay hindi ako nalilimit sa kung ano lang, like kontrabida lang. Mabait lang, inaapi lang. Masaya ako kasi napaglalaruan na yung, alam mo yun, na-explore ko na yung mga kaya ko palang gawin,” sabi ng aktres.