
Mas bukas na raw ngayon ang co-parenting setup nina Kapuso actress Katrina Halili at R&B singer Kris Lawrence para sa anak nilang si Katie.
Nagsimula ang kanilang co-parenting setup noong 2014 nang magtapos ang kanilang relasyon.
Sa kabila nito, aminado ang dalawa na kamakailan lang sila nagkaroon ng mas maayos na komunikasyon sa isa't isa.
"Before, mas more on bahala ka kung pupuntahan mo si Katie. Ako din, may sarili din ako [na oras], tapos kung may time ka, sige puntahan mo, ganoon. Hindi rin kami nakikita together. Ito lang 'yun, lately lang din talaga kami nagsasama na parang sige magtulungan na tayo para kay Katie," lahad ni Katrina sa bago niyang vlog.
Noon daw, isang idealized version ng isang tatay ang hinahanap niya kay Kris.
"Kaya din ganoon ako sa kanya, mayroon ako sa isip ko na, 'Tatay siya, dapat ganito.' Siyempre na-realize ko nga last year, ako din, ang dami ko ding mali. Wala namang perfect eh," bahagi niya.
Isa na rito ang kawalan ni Katrina ng oras para kay Katie dahil sa trabaho.
"Kaya din naging open agad ako kay Kris kasi ang dami ko din na-realize--na ako din, kasama ako ni Katie, [pero] ang dami ko ding pagkukulang kay Katie," kuwento ng aktres.
Samantala, 13 years old na ngayon si Katie na na-diagnose ng mild autism spectrum disorder (ASD) bago siya mag-three years old.
Napag-usapan din nina Katrina at Kris ang ilang challenges ng pagpapalaki ng isang anak na nasa spectrum
Panoorin ang buong pag-uusap nila sa vlog ni Katrina: