GMA Logo katrina halili
Source: FastTalkGMA/FB
What's on TV

Katrina Halili, inspired, happy ang puso

By Kristian Eric Javier
Published February 25, 2025 10:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Gabe Norwood’s final buzzer comes as Rain or Shine campaign ends in QF
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

katrina halili


May ilang bilin si Katrina Halili sa anak niyang si Katie tungkol sa pagmamahal. Basahin dito:

Aminado si Mommy Dearest actress Katrina Halili na inspired at masaya ang puso niya ngayon.

Ito ang sagot niya nang tanungin siya ni King of Talk Boy Abunda kung may nagpapatibok na ba ng puso niya ngayon nang bumisita siya sa Fast Talk with Boy Abunda kahapon, February 24.

Ngunit naging matipid ang kanyang sagot kaya ang pahabol na tanong ng batikang host, “Are you choosing to be quiet?”

Muling sagot ni Katrina, “Yes. Ayun na nga, Tito Boy, masaya."

Matatandaang isang taon na ang nakararaan nang ipagluksa ni Katrina ang pagkamatay ng kaniyang dating boyfriend, si Lanao Del Sur Vice Mayor Jeremy Guiab, dahil sa heart attack.

BALIKAN ANG CELEBRITY COUPLES NA PUNO NG PAGMAMAHAL SA GALLERY NA ITO:

Sa parehong panayam ay ibinahagi rin ni Katrina ang ilang leksyon sa pagmamahal na gusto niyang iwan sa anak na si Katie.

“Love yourself muna, 'yun 'yung unang ituturo ko sa kaniya,” sabi ni Katrina.

Dagdag pa ni Katrina ay ayaw niya sanang maransan ni Katie ang naranasan niya noon at maghanap ng pagmamahal mula sa ibang tao.

“Kasi nga po, dahil feeling ko ha, hindi ko naman sinabi, baka magalit mama ko. Feeling ko lang, hindi ako loved. Love ako ng mama ko by actions, hindi salita. So, hinanap ko 'yung love sa labas,” paliwanag ng aktres.

Pagpapatuloy ni Katrina, “Ayokong ganu'n maramdaman ng anak ko, kailangan sa'kin niya maramdaman 'yung love. Hindi niya hahanapin kung kani-kanino.”

Ipinahayag din ni Katrina kung gaano kaimportante para kay Katie na hindi nito malimutan na mahalin ang sarili.

"Kasi, kapag mahal mo 'yung sarili mo, and nirerespeto mo 'yung sarili mo, okay naman 'yung pupuntahan mo, Tito Boy," pagtatapos niya.