
Nagluluksa ngayon si Katrina Halili sa pagpanaw ng kaniyang non-showbiz partner, ang former Wao, Lanao Del Sur vice mayor na si Jeremy Guiab.
Inanunsyo ng Black Rider actress ang tungkol dito sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang larawan ni Jeremy na nakatalikod at tila naglalakad habang nasa background ang araw.
“Ang daya mo love sabi mo aalagaan mo kami ni Katie. Bakit iniwan mo kami," caption ni Katrina sa post.
Nagpahatid naman ang mga kaibigan at kapwa artists ni Katrina ng kanilang condolonces sa aktres, kabilang na ang Mommy Dearest co-actress niya na si Camille Prats pati ang mga kapwa aktres na sina Kris Bernal, Jackie Lou Blanco, Carla Abellana, Chandra Romero, at marami pang iba.
BALIKAN ANG PAG-AMIN NI KATRINA SA TOTOONG ESTADO NG KANIYANG LOVE LIFE DITO:
Samantala, nagbigay naman ng detalye si Quezon City Councilor Don De Leon sa pagpanaw ng kaniyang “best friend, my brother, my confidant and partner.”
Sa kaniyang post, ibinahagi niyang pumanaw si Jeremy noong January 28 ng 5:00 pm dahil sa fatal heart attack.
“Together with his family, we ask for prayers, for his soul's eternal rest with our Lord. A precious life gone too soon,” sulat niya sa caption ng post.
Sa kaniyang sumunod na post, ibinahagi rin ni Don mananatili ang burol ni Jeremy sa Arlington, Quezon City hanggang February 1, at hindi na ililipat sa Dela Strada Church gaya ng naunang plano.
Ayon sa report ng PEP.ph, inatake sa puso si Jeremy sa bahay ni Katrina sa Quezon City. Dinala umano ng aktres si Jeremy sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City, ngunit idineklara na nila itong pumanaw na.
Unang ipinahayag ni Katrina na meron siyang non-showbiz boyfriend noong July, 2023 nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda. Dito, ibinahagi ni Katrina na si Jeremy pa mismo ang gumagabay sa kaniya kung paano mas aalagaan ang kaniyang anak.
“Stubborn din 'yung anak ko, so medyo mahirap kaming dalawa, so minsan nawawalan ako ng pasensya minsan, so siya 'yung mas kalmado. So tinutulungan niya ako talaga,” sabi niya.
Si Katie ay anak ni Katrina sa ex-boyfriend na si Kris Lawrence, at sinabi ng aktres na kasalukuyan silang nasa isang co-parenting set-up.