GMA Logo Katrina Halili in 'Prima Donnas'
What's on TV

Katrina Halili ipinakita ang "transformation" ni Lilian ng 'Prima Donnas'

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 16, 2021 1:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: Over 270K cops, non-uniformed personnel to get P20k incentive on Dec. 19
Disasters afflict 720,000 students, teachers in Cebu in 2025
Oscars to begin streaming on YouTube in 2029

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili in 'Prima Donnas'


Mula sa pagiging simpleng babae hanggang sa pagiging 'madam,' malayo na ang narating ng karakter ni Katrina Halili sa 'Prima Donnas' na si Lilian. Panoorin kung paano nagbago si Lilian DITO:

Sa huling linggo ng Prima Donnas, pinakita ni Katrina Halili kung paano nagbago ang kanyang karakter na si Lilian.

Sa simula ng programa noong August 19, 2019, simpleng babae lang si Lilian na anak ng kasambahay ng namayapang asawa ni Jaime (Wendell Ramos) na si Maita (Glaiza de Castro). Naging surrogate mother si Lilian nang tatlong anak nina Jaime at Maita.

Ngayong malapit nang matapos ang kwento nina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), at Donna Lyn (Sofia Pablo), nag-iba na rin ang takbo ng buhay ni Lillian. Muli niyang nakita ang kanyang dating boyfriend na si Ruben (James Blanco), na siyang tunay na ama ni Donna Marie at binago nito ang magulo nilang buhay.

Sa pinakabagong vlog ni Katrina, binalikan niya ang naging journey ni Lilian mula noon.

"Guys ito na 'yung bagong look ni Lilian. Actually kanina pa ako nakaayos e," pagpapakita ni Katrina sa kanyang bagong buhok bilang si Lilian.

"Ngayon kailangan ulit naming i-retouch. Hindi gaya dati."

Ayon sa hair at make-up artists ni Katrina, dati ay hindi kailangan lagyan ng make-up si Lilian dahil simpleng babae lang ito. Sa katunayan, laging una si Katrina sa set dahil hindi na niya kailangan mag-ayos masyado.

Ngayon, kailangan nang ayusan si Katrina dahil guminhawa na ang buhay ni Lilian.

Panoorin ang iba pang pagbabago ni Lilian sa vlog ni Katrina:

Mapapanood ang huling linggo ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Magkaagaw.

Mapapanood rin ang Prima Donnas ng mga Kapuso abroad sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV. Para sa ibang detalye, pumunta lamang sa www.gmapinoytv.com.

Kinunan ni Katrina ang kanyang vlog sa nangyaring 'lock-in taping' ng programa noong nakaraang taon.

Balikan kung ano ang nangyari sa 'new normal' taping ng Prima Donnas DITO: