
Naging usap-usapan ngayon ang muling pagsasama ng dating magkasintahan na sina Katrina Halili at Kris Lawrence. Ilang litrato kasi ang lumabas online kung saan makikitang magkasama ang dalawa sa bakasyon, at pati na rin sa kaarawan ng aktres.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, April 24, sinabi nina Katrina at Kris na naging malaking tulong ang communication para muli silang magkita, mag-usap, at magkaroon ng magandang relasyon sa isa't isa. Pero bukod dito, malaking factor din umano ang mga mga realization ng aktres.
“Nabanggit ko rin before na last year kasi ang dami kong realization na minsan magso-sorry ako kay Katie na ang dami kong pagkukulang sa kaniya kasi lagi kong inuuna 'yung trabaho. Tapos natatakot ako na paano kapag nawala ako, ang dami kong mga gano'n. Last year, sobrang sensitive ko,” sabi ni Katrina.
Ani Katrina, hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga takot niyang iyon. Basta ang importante lang umano sa kaniya, madagdagan ang titingin at mag-aalaga kay Katie.
Inamin din ng aktres na nagkaroon siya ng maraming pagkukulang kay Katie kaya naman, kung ano man ang mga hindi nabibigay ni Kris, tinanggap na lang niya at sinabing handa na siyang makipagtulungan sa singer.
TINGNAN ANG BIRTHDAY CELEBRATION NI KATRINA KASAMA ANG KANIYANG BLENDED FAMILY SA GALLERY NA ITO:
Pagbabahagi pa ni Kris, pinahirapan siya ni Katrina ng husto noong nakaraang taon. Sa katunayan, tuwing binibisita niya noon si Katie, hindi siya kinakausap o pinapansin ng aktres. Kaya naman, sobrang grateful ng singer sa pagkakataong binigay sa kaniya.
“To add to what she said, last year, she gave me the hardest year ever. We were not in good terms last year. So this year, it was her birthday, it changed everything. She invited me, we went out in good terms, and then she invited me to her birthday. So of course, when she invited me, I was like 'Should I go? I'm not gonna go, she's like so mean to me.' So I just realized, 'You know what? It's your birthday, I'm gonna show up,'” sabi ni Kris.
Pagpapatuloy pa ng singer, alam niyang lumunok ng kaunting pride ang aktres para imbitahan siya kaya pinili niyang pumunta.
“And I'm very thankful that I went because I feel like my presence at her birthday is when everything changed,” sabi ng singer.
Nilinaw naman ng dalawa na wala naman silang naramdamang galit para sa isa't isa noong una silang maghiwalay.
Ani Kris, “We just had to grow as individuals, parang ganu'n.”
Panoorin ang panayam kina Katrina at Kris dito: