
Maraming fans ang kinilig sa twinning ng dating celebrity couple na sina Katrina Halili at Kris Lawrence nang magbakasyon sila sa El Nido, Palawan.
Sa post ni Kris sa Facebook, nagbahagi siya ng ilang larawan sa ikatlong araw nila sa Palawan kung saan makikita ang matching blue outfits nila. Naka blue spaghetti strap dress si Katrina, habang nakamatching blue polo and shorts naman ang singer.
“Looks like blue is the color of the day - di planado yan ha 🤣 I just saw my blue Puma outfit tapos paglabas ko ng room ko, naka-blue din si Chiq,” caption ni Kris sa kaniyang post.
Sa comments section, marami naman ang nagpahayag ng kanilang kilig sa dalawa.
“Ganyan po talaga pag mga meant [to be],” komento ng isang netizen.
“Okay lang yan malakas na rin talaga telepathy niyong dalawa,” sabi naman ng isa pa.
Source: KrisLawrenceOfficial/FB
May ilang netizens din na nagpahayag na hindi sila naniniwalang coincidence lang ang pagkakapareho nila ng kulay ng damit.
Sabi ng isang netizen, “Okay na po Mr. B, Kris Lawrence.. no need to explain po ☺️...pansin na namin...simula umuwi ka from US... Kapag magkasama kayo ni Ms. B, Katrina Halili P, pati sa mga live before leaving hanggang makarating ng EL Nido, color-twinning na talaga ng OOTD... Ganda nyo pong tingnan…”
Source: KrisLawrenceOfficial/FB
BALIKAN ANG SELEBRASYON NI KATRINA NG KANIYANG KAARAWAN KASAMA ANG BLENDED FAMILY NILA NI KRIS SA GALLERY NA ITO:
Kapansin-pansin na madalas makitang magkasama ang dalawa, at ang kanilang anak na si Katie kamakailan lang. Sa katunayan, noong January, ipinagdiwang pa ng aktres ang kaniyang kaarawan kasama ang singer, at ang anak nitong si Lyric.
Sa vlog nina Katrina at Katie noong February, sinabi ni Katrina na masaya siya kung ano ang meron sila ni Kris ngayon, bagay na sinang-ayunan naman ni Kris.
Sinagot din ng R&B singer kung ano ang posibilidad na magkabalikan sila ng aktres, “Why not? It's too far from the future. Anything's possible siguro if in 10 years we're both single.”