What's Hot

Katrina Halili, mahilig mag-negosyo

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 19, 2020 11:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit parang nagla-lie-low yata ngayon si Katrina? Patapos na lahat ng shows niya, hindi ba, so ano ang pinagkakaabalahan niya these days?
After her 'Dear Friend' guesting, bakit biglang nawala sa limelight si Katrina Halili? Ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon? And why did she cut her hair short? Alamin natin ang mga sagot from the actress herself! Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. After MariMar, nagtake-off na ang career ni Katrina Halili. Kaya naman nang biglang tumahimik ang career niya, we tracked down the actress para malaman kung ano nga ba ang dahilan ng kanyang pag lie-low. stars"Hindi naman lie-low," paliwanag ni Katrina sa amin when we caught her sa guest appearance niya sa SiS. "Wala pa kasing show na bago; [pero] halos lahat, patapos na naman. Pero 'di pa kasi inaayos lahat ng shows, 'di ba? So wala pa." Kaya naman pala. So ano ang ginagawa ni Katrina ngayon to keep herself busy? "Mayroon po kaming bar ng friend ko, kaka-open lang nung April 18 sa Malolos, Bulacan," sagot ng dalaga. Katrina is talking about Rendezvous. "Sa may Cabanas. Actually, bungad lang siya ng Malolos, eh." She says the bar was a brainchild of her friend. Katrina also explains na doon kasi naka-base at nakatira 'yung friend niya. "So parang okay din—at least, mababantayan niya, 'di ba?" To differentiate from Barrakz, nnthe other bar she co-owns, Katrina says more on live bands ang featured sa Rendezvous: "Kaya nagustuhan ko rin, siyempre, para minsan kapag wala akong ginagawa, doon ako magsho-show." Katrina says she's been promoting her new business sa mga out-of-town shows niya—specifically, 'yung mga malapit sa bar niya. "Mahirap naman siya i-promote dito kasi ang layo," she says with a laugh. "Normally, 'yung mgs shows ko naman sa Bulacan, eh." At bukod pa dito, Katrina is still thinking of opening a different business pa. She explains, "May pina-plan akong business na talagang gusto ko; siguro spa. Pero 'pag nakaipon na ako ng budget ko, 'yun na 'yung next ko." The new hair starsNgayong nagkaroon ng free time si Katrina, she shocked the world of showbiz nang bigla siyang magpaputol ng buhok. So tinanong na rin namin siya kung ano 'yung reason behind her cutting her hair so short. Ang sagot niya: "Actually kasi, StarStruck days [pa lang], nagpa-cut na ako ng hair ko nang maiksi—tapos gusto ko talaga siya." Katrina says nanghinayang lang daw siya sa buhok niya after two years niyang pahabain ito. "Parang ang hirap pagupitan, hanggang umabot na ng five years," dagdag niya. That's when she decided to curl it and then cut it. "Kasi five years na parang kulot, straight, kulot, straight." Dagdag niya na she wanted a change lang. "So 'pag sinabi ng mga tao, 'Bakit ka nagpa-cut ng hair?' [Ang sagot ko,] 'Nanggulat lang.' Effective naman, 'di ba? Nagulat kayo." At ang reaction ng mga tao? "Actually, gusto nila!" Katrina happily reports. And mukhang gustong-gusto rin ni Kat ang new hair niya. She says, "Magaan 'yung feeling, [pero] sobrang nakakapanibago. Lalo na nung first day? Nag-shampoo ako, parang feeling ko wala akong hair." Ang bago lang raw ngayon, natatawa niyang sinabi sa amin, ay "matipid and mabilis lang siyang patuyuhin—mabilis lang plantsahin." To her ardent supporters Ngayong naghihintay si Katrina for her next project, kinuha na rin niya ang pagkakataong magbigay pasasalamat sa mga taong tuloy pa rin ang pag-suporta sa kanya: "Thank you sa support hanggang ngayon. Kasi ako, nagche-check pa rin ako sa Internet. Thank you sa lahat ng support, tsaka sa lahat ng nagtatanggol [sa akin], nandyan pa rin sila. Thank you. "Lalo na kay Ate Nessy, kina She, sa Katrinians. Maraming, maraming salamat sa lahat ng suporta na binibigay nila sa akin. Tapos sa lahat ng pakikipag-away na ginagawa nila para sa akin, sa lahat ng pagvo-vote nila at pagpupuyat, pagtiya-tiyaga—thank you." Be the first to know kapag may bago nang project si Kat! At be updated sa mga pinagkakaabalahan niya through Fanatxt! Just text KATRINA and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) And wag kalimutan na tuloy pa rin ang guest hosting ni Katrina sa SOP! That's every Sunday, dito lang sa GMA.