Article Inside Page
Showbiz News
Sa isang exclusive interview kay Katrina Halili, inalam ng iGMA kung kailan nga ba babalik ang aktres sa showbiz. Handa na ba siya sa mga sexy at daring roles?
Sa isang exclusive interview sa napaka-controversial na si Katrina Halili, inalam ng iGMA kung kailan nga ba babalik ang aktres sa showbiz at kung anong mga projects ang gusto niyang gawin. Handa na ba siya na gumawa ng mga sexy at daring roles ulit? Text by Loretta G. Ramirez. Photo courtesy of Katrina Halili.
Nakikita man natin si
Katrina Halili sa telebisyon araw-araw, marami pa rin sa mga fans at kaibigan ng dalaga ang nami-miss siyang makita na umaarte sa telebisyon.

Pinatunayan ni Katrina noon kung gaano siya ka-versatile pagdating sa acting. Mapa-bida o kontrabida, tinangkilik ng mga manonood ang kanyang mga shows tulad ng
Marimar,
Magdusa Ka,
Gagambino,
Obra at marami pang iba. Ngunit ngayong kasagsagan ng issue about the
sex video scandal, handa pa ba si Katrina na humarap ulit sa camera? Kailan nga ba siya babalik ulit sa pag-arte?
“Siguro by July, puwede na akong magtrabaho. Pero siguro hindi muna 'yung mga live guestings. Siguro mga soap [operas] lang muna [at] hindi pa masyado 'yung mga live na shows. Parang hindi pa ko ready,” ang pag-amin ng dalaga sa iGMA.
Ngunit nilinaw niya na pagdating sa mga sexy roles, “siguro less lang ng konti, unlike before, kasi parang fresh na fresh pa lang 'yung video ko tapos makikita nila akong pasexy-sexy 'di ba? Parang lie-low lang muna.”
Inamin din niya na meron siyang mga roles na gustong gawin at kung mabibigyan ng pagkakataon gusto din niyang matuloy ang remake ng Lino Brocka movie na
Angela Markado.
“'Yung gusto ko
Angela Markado kasi rape victim sya tapos lumaban siya. Gusto ko 'yun,” kuwento ng aktres. Matatandaan na ito ay unang ginampanan ng premyadong aktres na si Ms. Hilda Coronel at Katrina was suppose to do a remake of this film sa television bago pa pumutok ang issue about the sex video.
Idinagdag din niya na gusto niyang bumalik sa mga kontrabida roles tulad ng Valentina (
Darna) at Fedra (
Rosalinda), ngunit wala pang definite offers ang dumarating sa kanya.
“Sobrang namiss ko ['yung pagiging kontrabida] kasi naapektuhan ako sa mga character na ginagampanan ko, eh. At least kapag villain ka, ikaw ang nagdadala ng eksena, nag-iisip ka, nag-i-improvise ka. Hindi katulad ng weakling ka lang, patamaran. Parang gusto ko 'yung may natutunan ka.”
Although aminado ang aktres na hindi pa siya makalabas ng bahay ngayon, nagpapasalamat naman siya sa mga suporta at prayers from her fans at friends.
“Sobrang thankful ako na may mga tao talaga na sumusuporta sa akin at naniniwala sa akin. Ipinaglalaban nila ako, in fairness, sobrang nakakatuwa sila. Tapos sobrang sad sila kapag nakikita nila akong umiiyak o nasasaktan. Nalulungkot sila kasi matagal akong nawala sa TV, February pa, so pinipilit ko namang bumalik para sa kanila. [Pagbalik ko] new Katrina na siguro. Malapit na po ako bumalik [kaya] sana maayos na lahat.”
Abangan ang pagbabalik ni Katrina Halili sa telebisyon. For exclusive updates about Katrina Halili, always log on to iGMA.tv!
Pag-usapan ang pagbabalik ni Katrina sa showbiz sa
iGMA Forum.
Kamustahin si Katrina through her Fanatxt service! Text KATRINA and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)
For related features about the sex video scandal issue, click on the following:
Katrina magsasampa ng kaso laban sa nanay ni Hayden Kho
Balik tanaw sa pinagdaanan ni Katrina
Buo ang suporta ng GMA para kay Katrina Halili