GMA Logo katrina halili
Source: Katrina Halili / katrina_halili (IG)
What's Hot

Katrina Halili, masaya sa improvement ng anak na si Katie

Published March 14, 2026 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Vanessa Sarie, CJ Dominguito cop last POW honors in Season 101 volleyball
Hidlyn Diaz's manager Noel Ferrer releases another statement on 'free fuel for life' issue
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City

Article Inside Page


Showbiz News

katrina halili


Natapos ni Katie ang kanyang stem cell therapy noong January.

Masaya si Katrina Halili sa improvement ng anak na si Katie na kamakailan lamang ay nakumpleto ang stem cell therapy.

Sa 24 Oras report ni Nelson Canlas noong Biyernes ay ibinahagi ng Kapuso star ang ilan sa mga pagbabagong naobserbahan niya sa anak na may Autism Spectrum Disorder (ASD).

"So far, nakikita ko na medyo ano po 'yun nga, may empathy siya, may care na siya sa'kin. 'Yung parang dati, siya lang, e. Parang, 'Iniisip din ba ko nito?' Ngayon, parang 'yun 'yung napapansin ko," ani Katrina.

Noong January ay ibinahagi ni Katrina ang kanilang "new chapter" matapos makumpleto ni Katie ang kanyang stem cell therapy at treatment.

A post shared by Maria Katrina Halili (@katrina_halili)

Sa isang Facebook post ay ibinahagi rin ni Katrina ang sweet video messages sa kanya ni Katie noong siya ay nasa taping.

"[T]alagang super update siya sakin. Text, call, and videos ng gawa niya, and para kumustahin si mama. Hay, anak, ganitong update ang the best feeling and kilig sa akin. Ikaw lang, sapat na," kwento ni Katrina sa caption.

Related gallery: Katrina Halili is a proud mama of Katie