
Usap-usapan online ang tandem ng mag-inang Katrina Halili at Katie dahil sa kanilang bonding moments na punong-puno ng good vibes at inspirasyon para sa fans.
Sa isang exclusive interview ng GMA Network.com, hindi naitago ng Kapuso actress ang kaniyang tuwa sa mga taong nai-inspire sa kanila ni Katie.
"Sobrang happy po ako na marami kaming nai-inspire ni Katie at maraming natutuwa sa amin, especially kay Katie," sabi ni Katrina.
Ikinuwento rin niya na dahil sa matinding pagmamahal ng mga tao sa kaniyang anak, si Katie na mismo ang hinahanap sa tuwing sila ay lumalabas.
Dagdag nito, "At saka everytime na nagpo-post ako kahit wala si Katie, first ako, first ako Katie. Tawag na sa akin Katie or mama ni Katie ganyan. So happy, nakakatuwa."
Naging tampok ang mag-ina sa mga sweet at touching photos at videos nila online. Mas minahal pa sila ng publiko nang lumabas sila sa vlog ng content creator na si Ivana Alawi.
Si Katie ay anak ni Katrina Halili sa R&B singer na si Kris Lawrence. Siya ay may mild autism spectrum disorder (ASD).
RELATED GALLERY: Meet Katrina Halili's mini me, Katie Lawrence