GMA Logo Katrina Halili
What's Hot

Katrina Halili, masaya sa pagiging stage mom kay Katie

By Kristian Eric Javier
Published October 26, 2024 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili


Suportado ni Katrina Halili ang hilig ng anak na si Katie sa pag-perform at pagkanta.

Mahirap pero masaya umano para kay Katrina Halili ang maging isang single mom sa kaniyang anak na si Katie. Ngunit bukod sa pagiging isang single parent, stage mom na rin ngayon ang Mommy Dearest actress na masaya at suportado ang creative endeavors ng kaniyang anak.

Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Katrina na medyo challenging talaga ang maging isang single parent.

Ngunit paglilinaw ng aktres, “Mahirap, pero masaya. And masarap kasi lahat ng mga ano kay Katie, as in decision ako.”

Sinabi rin ni Katrina na mayroong case ng autistic spectrum disorder o ASD si Katie, ngunit nilinaw na hindi naman ito hassle para sa kaniyang anak at sa kaniya. Katunayan, mas okay pa ito para sa kaniya kaysa maging masyadong advance ang anak.

“Well, matalino naman si Katie, pero mas okay sa akin yung naglalaro-laro ka lang muna diyan. Huwag muna yung mga ibang bagay. Nag-e-enjoy siyang mag-play ng piano, kumanta-kanta, mag-videoke ka magdamag sige bahala ka diyan. Ganun. Wala pa masyadong ibang trip. Ine-enjoy ko yun,” sabi ni Katrina.

MAS KILALANIN PA ANG ANAK NI KATRINA NA SI KATIE SA GALLERY NA ITO:

Kapansin-pansin din ang pagiging stage mom ni Katrina lalo na sa mga video posts niya sa Instagram kung saan makikita ang performances ni Katie. Sa ibang video, makikita rin ang aktres na hawak ang nakasulat na lyrics ng isang kanta, o kaya naman ay sinasabayan ang dance steps na ginagawa ng anak.

Ani Katrina, masaya siya sa pagiging stage mom niya kay Katie at full support siya sa mga gusto nito.

“Masaya, masaya na 'di ba, gusto niya din kumanta, gusto niya din magperform. Siyempre ako susuportahan ko kung ano 'yung gusto niya, nage-enjoy siya. Pinaaral nga namin ng singing tapos nag-piano. Nagpe-perform talaga siya,” sabi ni Katrina.

Kuwento pa ng dating Black Rider actress, minsan ay tinanong niya kung bakit gustong kumanta ni Katie at ang sagot nito, “Kasi may mga fans ako eh.”

“Tapos minsan inaano niya ako sa stage, 'yung mga nagaganu n siya, kung anu-ano ginagawa, sabi ko bakit ka gumaganiyan? E kasi gusto ng mga fans 'yan,” pag-alala ni Katrina.

Ngunit kahit ganado mag-perform si Katie, sinabi ni Katrina na masaya siyang na-block ng Tiktok ang account ng anak, “Kasi mamaya kung ano-ano na napopost nun e. Kasi baka kung saan saan siya mapunta. 'Di ba?”