GMA Logo Katrina Halili
Source: katrina_halili/IG
Celebrity Life

Katrina Halili, may hiling at babala sa netizens tungkol kay Katie

By Kristian Eric Javier
Published August 14, 2025 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pasig River Esplanade ready in 10 days — Liza Marcos
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili


Sa isang video post ng aktres na si Katrina Halili, humiling ang aktres na tulungan siya ng netizens na itama ang maling ugali ng anak.

Aminado si Sanggang Dikit star na si Katrina Halili na malaking pagsubok para sa kaniya ang pag-aalaga sa anak na si Katie. Matatandaan na nasa autism spectrum ang kaniyang anak na ibinahagi na rin niya sa ilang mga panayam.

Ngunit sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, August 13, may pakiusap ang aktres sa netizens, at sa mga kapwa niya magulang ng mga batang may autism.

“Sana po lahat tayo iisa ang goal; maging masayahin, mapabuti, maging marespeto si Katie. Next month po 13 years old na siya, pakiusap po, kung talagang mahal niyo si Katie, turuan natin maging independent,” caption ni Katrina sa kaniyang post.

Hiniling din ni Katrina na 'wag na sanang i-tolerate ang mga mali ng anak.

“Mahirap po para sa akin na hindi tayo iisa. Last chance na po ito, kundi hindi niyo na siya makikita. Iba po ang mahal, sa pag kunsinti ng mga hindi na tama,” sulat ni Katrina.

Nilinaw din ng aktres na walang nambu-bully kay Katie. Ngunit ngayong mag-13 na siya, kailangan na umano ni Katie na mag-mature, bagay na alam niyang gusto rin ng kapwa niya magulang na may anak na nasa spectrum.

MAS KILALANIN PA SI KATIE SA GALLERY NA ITO:

Hindi na nagbigay ng detalye si Katrina, ngunit sa naunang video na pinost niya noong August 10, makikitang nag-uusap sila ng anak kung saan humihingi ng sorry si Katie. Sa pagpapatuloy ng video, nangako rin si Katie na hindi na siya sasagot sa kaniyang mama.

Ayon din sa video na grounded si Katie ng isang linggo dahil sa ginawa niya Humihingi rin siya ng palugit na isang araw na lang daw siya i-ground ng kaniyang mama.

Sabi ni Katrina sa video, “Para hindi ka na uulit.”

Nang tanungin uli siya ni Katie kung pwede na ba siyang "ma-unground," sinabi ni Katrina na hindi pwede dahil kailangan niyang maging istrikto sa kaniyang anak.