
Kilig ang dala ni Katrina Halili sa kanyang mga social media followers pagkatapos niyang mag-upload ng teaser para sa kanyang YouTube video.
Sa video na kanyang inupload sa kanyang Facebook account, at ngayon ay makikita si Katrina na masayang nagtatampisaw sa dalampasigan, bago maupo sa buhangin at isulat dito ang mga letrang MRB. Pagkatapos nito ay makikita ang isang lalaki na lumapit sa kanya bago mag-fade to black ang video.
Hindi maitatangi ang kilig na naramdaman ng mga tao sa interaksyon na ito, at pati na rin ang pagpuri nila sa kagandahan ni Katrina.
Photo source: Katrina Halili P Facebook page
Sa mga hindi pa na-figure out kung sino ang lalaki sa video, ito ay si Kris Lawrence, na nag-post rin ng photo kasama si Katrina sa kanyang Facebook account. Sa caption, sinulat ni Kris na “Some sunsets…you don't wanna end.” Ang post ay merong higit sa 100,000 na reactions, higit sa 5,000 na comments, at na-share na higit sa 2,000 beses.
Katulad sa post ni Katrina, libo-libo rin ang mga reaction, comments at shares nito. Higit sa 100,000 rin ang reactions nito, higit sa 5,000 ang comments, at na-share na higit sa 2,000 beses. Kilig din ang mga nag-comment sa post na ito ni Kris.
Photo source: Katrina Halili P Facebook page
Dating magka-relasyon si Katrina Halili at Kris Lawrence, at co-parents sa anak na si Katie, na merong mild autism spectrum disorder (ASD).
Ayon kay Katrina, 2014 pa ang kanilang co-parenting arrangement pero kamakailan lamang sila nagkaroon ng maayos na komunikasyon sa isa't isa.
Si Kris naman ay nagtratrabaho para makakuha ng American citizenship para sa anak nil ani Katrina na si Katie.