What's Hot

Katrina Halili, nakipag-bonding sa fans

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 18, 2020 12:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alamin kung masuwerte ang iyong zodiac sign ngayong 'Year of the Fire Horse'
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Dinumog ng mga taga-suporta ni Katrina Halili ang kanyang Grand Fans Day na ginanap sa last April 10.
Dinumog ng mga taga-suporta ni Katrina Halili ang kanyang Grand Fans Day na ginanap sa last April 10 sa SM Manila. Text by Karen de Castro. Photos by Mitch Mauricio. As early as 4 p.m., napuno na ang Event Center ng SM Manila ng mga fans na excited makasama si Katrina Halili. Nakipag-bonding ang aktres sa kanyang mga fans for an entire afternoon bilang pasasalamat niya sa patuloy nilang pagsuporta at pagsubaybay. Ang iba ay nanood na lang from the upper levels ng mall dahil hindi na sila ma-accommodate sa mismong activity area. stars Bago pa man dumating si Katrina, fans participated in various entertaining games. Sa isang game, pinasayaw at pina-pose ang mga fans a-la Katrina. Nagkaroon din ng ilang parlor games kung saan nagkasalamuha ang mga fans sa isa’t isa. The winners received gift bags from Katrina’s sponsors. The much-awaited part of the program began when Katrina stepped on the stage, greeted everyone present, and dedicated a song to them. Habang kumakanta, nag-ikot siya sa Event Center para makipag-kamayan at magpa-picture kasama ang mga fans. Bukod pa diyan, she also took time to sign autographs at personal niyang pinasalamatan ng isa-isa ang kanyang mga fans. Masayang-masaya si Katrina sa dami ng mga tao na pumunta at nagpakita ng kanilang support. “Syempre sobrang happy ako na yung mga tao na sumusuporta sa ’kin, walang tigil ‘yung suporta. Sana tuluy-tuloy lang po, tapos prayers kasi di ba, ang dami ko pang problemang hinaharap sa ngayon.” stars Nang kamustahin naman si Katrina at tanungin kung naka-move on na siya sa mga nagdaang kontrobersiya, ang sagot niya, “Konti pero iba na e. Simula nung nangyari ‘yung ganun, may nagbago na sa ’kin e.” But this change definitely does not affect her dedication to her work, and of course, her fans. “Syempre po mas lalo kong pagbubutihin ‘yung trabaho ko and ayokong basta iwan yung pangalan ko nang ganun di ba? Marami dapat silang abangan [from me] this 2010,” ang dagdag niya. Kasama sa mga aabangan ng mga fans ay ang kanyang dance number sa Party Pilipinas every Sunday. Mapapanood pa siya ng mas madalas sa TV sa mga susunod na araw. “Sa Panday Kids po, nag-guest po ako dun, tapos magsa-start na rin po kami ng taping ng Langit sa Piling Mo.” May maikli ngunit sincere na mensahe si Katrina para sa kanyang mga solid supporters. “Thank you sa lahat ng suporta at saka sa pag-iintindi sa akin ng mga fans nang walang sawa.” Pag-usapan si Katrina Halili sa mas pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! Stay in touch with Katrina. Just text KATRINA (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.