
Naging bukas ang kilalang kontrabida actress na si Katrina Halili tungkol desisyon niyang magbawas ng trabaho.
Ayon sa Black Rider actress, ang ito ay para matutukan ang anak niyang si Katrence.
Sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda, inilahad ni Katrina na ito rin ang dahilan kung bakit bumabalik siya sa El Nido, Palawan, sa tuwing wala siyang trabaho sa Manila.
Paliwanag ni Katrina, “Actually, after pandemic po na-realize ko na wala akong time sa anak ko simula nung ipinanganak ko siya dahil after ng show, dire-diretso. 'Tapos, nine na siya and meron po siyang ASD- autism spectrum disorder. So, pina-check ko siya sa doctor, sabi kailangan ko na siya tutukan hanggang mag-12 kasi baka lumala. Pero nasa mild lang naman po siya.”
Nakiusap din daw ang aktres sa GMA Network na gusto niya magbawas ng work para mas may oras siya kay Katrence.
Lahad niya, “So, nag-decide ako na mag-cut ng work, magpaalam sa GMA na one soap na lang a year, ganiyan, para makatutok ako sa anak ko.”
Isinilang ng dating StarStruck Avenger ang anak niya sa OPM singer na si Kris Lawrence noong September 2012.
Source: katrina_halili (IG)
Samantala, tinanong ni Boy Abunda si Katrina kung gusto niya magka-baby. Agad na sagot ng celebrity mom,“Puro birds ako ngayon, birds 'yung alaga ko." Pagpapatuloy niya, “Ayaw ko na magka-baby, hindi ko kaya mahirap. Saludo na lang ako sa maraming baby.”
Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MOTHER-AND-DAUGHTER BONDING NINA KATRINA AT KATIE DITO: