GMA Logo katrina halili
Source: Katrina Halili's YouTube channel
What's Hot

Katrina Halili, nilinaw ang kanyang 'mataray' image

By Jansen Ramos
Published February 11, 2026 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Feb. 11, 2026) | GMA Integrated News
Supreme Court rules that same-sex couples can own property
LGUs post ‘anti-epal’ compliance on social media

Article Inside Page


Showbiz News

katrina halili


Biro ni Katrina Halili sa umano'y pagiging mataray niya: "Minsan naman depende sa tao. Wow!"

Nilinaw ni Katrina Halili ang matagal nang misconception tungkol sa kanya--ang diumano'y pagiging mataray niya.

Sa kanyang latest YouTube vlog, sumailalim ang Unica Hija actress sa lie detector test kasama ang ex-partner niyang si Kris Lawrence, na ama ng anak niyang si Katie.

Nilinaw dito ng aktres ang kanyang pagiging "mataray" na dati nang naiisyu.

Panimulang biro niya, "Minsan naman depende sa tao. Wow!"

Paliwanag ni Katrina, nakaapekto ang pagiging kontrabida niya sa mga teleserye kaya ganito ang tingin sa kanya ng tao on and off cam.

Matapos sumali sa reality-based artista search na StarStruck noong 2003, puro villain roles na ang nakukuha ni Katrina, kabilang na riyan ang papel niya sa Marimar (2007) at sa 2005 at 2009 version ng Darna (2009).

"Sa sobrang galing ko, wow, masyadong tumatak. Charot," dugtong niya.

"Ilang years din, e,, siguro 21 years ata akong nagkontrabida pero minsan din naman depende sa tao na kaharap ko."

Sundot na hirt niya ng: "Ang truth ay mataray talaga."

Katuwiran ni Katrina, dala rin ito ng kanyang physical features kaya madalas siyang mapagkamalang may attitude.

Aniya, "Di naman ako mataray. Ano lang, siguro naja-judge nila ako dahil sa boses ko saka sa looks ko kaya nga tayo naging kontrabida ng two decades. Siguro yun din yung naging edge ko kaya kahit minsan kahit 'di naman super galing, malditang maldita na sila."

Panoorin ang vlog sa ibaba:

Samantala, kasalukuyang napapanood si Katrina sa GMA Afternoon Prime series na Unica Hija.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Katrina Halili's remarkable #bidakontrabida roles