GMA Logo Katrina Halili
What's Hot

Katrina Halili on being a Kapuso: "Buong-buo po ang pagtitiwala nila sa akin"

By Cara Emmeline Garcia
Published June 18, 2020 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili


Sinusuklian ni Katrina Halili ang suporta ng GMA sa kanya sa pamamagitan ng pagiging isang loyal Kapuso.

Malaki raw ang utang na loob ni Katrina Halili sa GMA dahil ang network ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong maging artista simula nung sumabak siya sa StarStruck noong 2003.

Kaya naman isinaad ng Prima Donnas actress na sinusuklian niya ito sa pamamagitan ng pagiging isang loyal Kapuso hanggang ngayon.

Aniya, “[Ang pagiging Kapuso is] 'yung pagiging loyal, kapalit ng pag-aalaga nila sa akin all these years.

“Alam naman po nating lahat na sa GMA po ako nag-simula at hanggang ngayon, buong-buo po ang pagtitiwala nila sa akin sa bawat project po na ibinibigay po nila.

“Sobrang thankful po ako sa GMA dahil sa growth ko bilang isang artista at sobrang thankful din po ako na mabigyan ng chance na makapag-entertain ng mga fellow Kapuso natin.”

Binanggit din ni Katrina na proudest Kapuso moment niya ang pagpapalabas ng ilang shows sa ibang bansa at mapanood ito sa ibang wika.

“Sobrang proud po ako kapag ipinapalabas 'yung mga shows na kasama ako sa ibang bansa at isinasalin sa kanilang language. Meaning, mas maraming audience, mas maraming nakaka-appreciate ng gawang Kapuso at sobrang proud po ako na nakasama po ako doon.

“Bawat role na ginagampanan ko ay ipinagmamalaki ko lalo na kapag sinusuklian 'to ng malaking pagtanggap po ng viewers.”

Panoorin ang kanyang buong mensahe sa GMA Network sa pagdiwang nito ng ika-70 anibersaryo ngayong taon.

Bumibida ngayon si Katrina Halili sa Prima Donnas na kasalukuyang mapapanood sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.

Eugene Domingo, malaki ang pasasalamat sa suportang ibinigay ng GMA

Pancho Magno and Max Collins consider wedding as their proudest Kapuso moment