
Ipinakita ni Kapuso actress na si Katrina Halili ang kanyang angking talento sa pagganap bilang isang kontrabida sa The Boobay and Tekla Show.
Sa unang eksena, ni-reenact ni Katrina ang kanyang karakter na si Jasmine Flores sa soap na Destiny Rose at ginampanan naman ni Jennie Gabriel ang role ni Ken Chan na si Destiny Rose.
Nauwi naman sa tawanan ang eksenang ito nang gayahin ng The Clash Season 3 2nd runnerup ang boses ni Angel Locsin.
Sa pangalawang reenactment naman, ipinakita ang eksena ni Katrina at Megan Young sa drama teleserye na The Stepdaughters. Ginampanan naman ni Pepita ang role ni Megan at siya ay pabiro na sinampal at sinabunutan ni Katrina.
Photo courtesy: YouLOL (YouTube)
Ibinahagi naman ni Katrina Halili ang kanyang Korean na “boyfriend” na si Park Seo-joon sa “May Pa-Presscon”. Ayon kay Katrina, siya ay na-aadict sa panonood ng korean dramas at sa kagwapuhan ng aktor.
Sa larong “Galaw Galaw” naman ay nagwagi ang Team Chaka na binubuo nina Tekla, Pepita Curtis, Ian Red, at Echo Calingal dahil pitong salita ang kanilang nahulaan.
Ang Team Ganda naman na binubuo nina Boobay, Jennie Gabriel, at Katrina Halili ay natalo dahil apat lamang ang mga salita na nahulaan nila.
Na-"TBATS" din sina Tekla, Pepita at Ian Red nang umarte na umiyak si Jennie Gabriel dahil sa mainit na pagsalubong ng kanyang birthday sa show.
Abangan ang mga susunod na kasiyahan at kakulitan sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa Kapuso Network.
Alamin pa ang mga naging #bidakontrabida roles ni Katrina Halili sa gallery na ito: