Article Inside Page
Showbiz News
GMA News: Katrina Halili ready to view own ‘video’ even on big screen
Palaban si Katrina Halili sa kasong isinampa niya laban sa dating nobyo na si Hayden Kho kaugnay sa kumalat na sex video nila. At handa raw niyang panoorin ito kahit sa big screen para patunayan hindi niya alam nang kunan ang pribadong tagpo kasama ang lalaking minsan niyang minahal.

“Basta ako yung video na ‘yon magpapatunay po na wala akong alam sa pinaggagawa niya, yun lang po, kahit sa big screen pa namin panoorin," pahayag ni Katrina sa panayam ni entertainment reporter Audrey Carampel para sa
Chika Minute ng GMA News
24 Oras nitong Martes.
Ang pahayag ni Katrina ay may kaugnayan sa nangyaring cross examination sa kanya ng abogado ni Hayden sa pagdinig ng korte nitong Lunes. Sa naturang pagdinig, ipinalarawan sa aktres ang kuwarto ng hotel kung saan kinunan ang kanilang sex video.
Sinabi ng aktres na kung nahirapan man siyang ilarawan ang kuwarto dahil hindi niya ito kabisado, pumayag naman siyang balikan at magsagawa sila ng ocular inspection sa hotel kung makatutulong sa kanyang kaso.
“Kung nahirapan akong magdetalye pumayag naman ako na ‘di ba (sa ocular inspection). Gustong gusto ko nga ‘yon na pumunta kami ng Holiday Inn at mag-ocular kami para mas makita namin kasi hindi ko talaga alam yung sukat nun (kuwarto)," paliwanag ni Katrina.
Sinabi ni Katrina na nakatutulong ang kanyang trabaho at mga suportang nakukuha sa fans upang manatiling matatag sa kabila ng kontrobersiya na kanyang pinagdadaanan.
Sa ginanap na live-chat ni Katrina sa iGMA.tv nitong Martes ng hapon, sinabi ng aktres na masaya siyang makausap ang kanyang mga tagahanga na nananatiling sumusuporta sa kanya.
“May nabasa ko dun kanina (sa chat) na parang na nag-wish nga daw sila na ganun makamit ko yung hustisya…happy naman po ako na nandyan pa rin sila para suportahan ako," pahayag ng dalaga.
Magiging abala si Katrina sa kanyang bagong proyekto sa GMA 7 na
Langit Sa Piling Mo kung saan babalik siya sa kanyang dating mga papel bilang kontrabida. --
GMANews.tv
Pag-usapan si Katrina Halili sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get in touch with Katrina.
Just text KATRINA (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers,
text GOMMS (space) KATRINA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.