GMA Logo Katrina Halili in Wish Ko Lang
What's Hot

Katrina Halili sa 'Paluwagan' episode ng 'Wish Ko Lang,' muling mapapanood ngayong Sabado

By Aimee Anoc
Published July 29, 2023 3:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran's Revolutionary Guards say it targeted US positions in the region in response to attack
Bacolod fortifies borders vs ASF
Pinoy energy electrifies '&FRIENDS Festival 2026'

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili in Wish Ko Lang


Balikan ang natatanging pagganap nina Katrina Halili at Jon Lucas sa "Paluwagan" episode ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado sa GMA.

Muling mapapanood sa Wish Ko Lang: Paluwagan ang kuwento ng misis na si Sara, na pinagbidahan ni Kapuso Primera Kontrabida Katrina Halili.

Tampok sa Wish Ko Lang: Paluwagan ang hirap na pinagdaanan ni Sarah (Katrina) nang lokohin at iwan siya ng babaero niyang asawa.

Para mapagbigyan ang hiling ng mister na kumuha ng hulugang motor, napilitan si Sarah na sumali sa isang paluwagan. Lingid sa kaalaman ni Sarah ay niloloko na pala siya ng mister (Jon Lucas) at ginawang mga babae ang mga kasama niya sa paluwagan.

MAS KILALANIN SI KATRINA HALILI SA GALLERY NA ITO:

Kasama ni Katrina sa episode na ito sina Jon Lucas (Tutoy), Phoebe Walker (Lorna), Coleen Perez (Cecille), Lara Morena (Lindsey), Pepita Curtis (Pam), at Aya Anunciacion (Ate Rej).

Huwag palampasin ang "Paluwagan" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, July 29, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.