GMA Logo Katrina Halili and daughter Katie
Celebrity Life

Katrina Halili, 'na-sepanx' nang mag-first day of school si Katie?

By Kristian Eric Javier
Published June 16, 2025 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang bahay, nawasak at tinangay ng rumaragasang baha dulot ng thunderstorm
GMA Network Recognized with ECODEB Model Business Organization Award
Laborer hacked to death in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili and daughter Katie


Ano kaya ang nangyari kay Katrina Halili nang mag-first day of school ang anak nitong si Katie?

Excited na excited na pumasok ang anak ni Mommy Dearest star Katrina Halili na si Katie sa school ngayong Lunes, June 16. Sa katunayan, pareho sila ng kaniyang Mama na nauna pang nagising sa alarm nila na 5 a.m.

Sa Instagram, nag-post si Katrina Halili ng video nila ni Katie na parehong kakagising lang. Aniya, pinapaluto na siya ng anak ng food na kakainin nito sa almusal at pambaon nito sa school.

Caption ni Katrina sa kaniyang post, “Aga naming nagising ni Katie. 5am kami nag alarm, sabay kami nagising ng 4:58am Sabi nya kasi ipagluto ko siya ng egg and cheese. Excited po siya sa first day of school niya. Mami-miss talaga Kita anak. 😭”

Sa video, makikitang pinagluluto na ni Katrina ang anak at pinaghanda na ng almusal at baon. Pinakita rin niya si Katie na naka-uniporme na at handang-handa na pumasok ng school.

RELATED CONTENT: MAS KILALANIN PA SI KATIE SA GALLERY NA ITO:


Sa school, maririnig din si Katrina na tinanong si Katie kung nasaan ang crush nito, na tinuro naman ng dalaga.

Ngunit sabi naman ng aktres, “Tigilan na 'yung crush-crush na 'yan, mag-aral nang mabuti.”

Grade 5 ngayong pasukan si Katie, at dahil titingnan pa niya umano ang mga crush niya, ay hindi niya muna pinababa ang kaniyang Mama.

Ano Katrina, “Hindi niya po ako pinababa. Gusto niya, sundo lang daw ako. May crush na siya, may crush na si Katie. Hindi pwede 'to.”

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)


Ngunit sa hiwalay na video, makikita naman na umiiyak si Katie at ayon kay Katrina, ito ay dahil bumaba siya ng kotse. Aniya, niyakap na si Katie ng kaniyang teachers para pakalmahin at patahanin.

“Gusto niya kasi susundo Lang ako sa kana sa hapon at magpapapicture sa mga students. Sorry baby, nag push my luck Lang si mama. Mami miss kasi Kita, I Love You. #KatieMyLabs,” caption ni Katrina sa post.

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)


Si Katie ang anak ni Katrina Halili sa singer na si Kris Lawrence. Sa panayam ni Katrina sa Fast Talk with Boy Abunda noong February 24, ikinuwento ng Mommy Dearest actress ang tungkol sa mild autism ng anak.

Aniya, mahirap ngunit kinailangan niyang tanggapin ito at ngayon ay proud na proud siya sa achievements ng anak.