GMA Logo Katrina Halili, Katie
Source: katrina_halili (IG)
Celebrity Life

Katrina Halili shows challenge on taking care of Katie

By Kristian Eric Javier
Published July 12, 2025 11:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili, Katie


Sa video ni Katrina Halili, ipinakita niya ang katotohanan sa pagiging magulang sa anak niyang si Katie na may mild autism.

Ibinahagi ni Mommy Dearest star Katrina Halili ang isa sa mga pagsubok na kinakaharap niya sa pagpapalaki kay Katie, ang anak niyang mayroong mild autism.

Sa video na pinost ni Katrina sa kanyang Facebook page, makikita si Katie na umiiyak at sumisigaw, bago nag-collapse sa loob ng kanilang classroom. Ayon kay Katrina sa video, inaaya na niya ang anak para umuwi dahil tapos na ang klase ngunit ayaw pa nito.

Mapapanood din sa video na mahinahong pinaliwanagan ni Katrina ang anak kung bakit kailangan na nilang umuwi.

Sa caption ng kanyang post, nilinaw ng aktres na ibinahagi niya ang video ng tantrum ni Katie hindi para pagtawanan siya ng mga ausome mom na pareho lang ang karanasan nila.

“Wag po natin sila sasabayan, lalo na at nasa labas po tayo. Makukuha po natin sila sa mahinahon na boses. Nung sinabi kung naiiyak ako, naiiyak na po talaga ako. Kaya sa mga nababasa ko pong comment, yes! May ganyan moment pa rin po ako,” sabi ni Katrina.

Paalala rin ni Katrina, kailangan lawakan pa ng mga magulang ang kanilang isip at mas intindihin ang kanilang mga anak na may autism.

Ang “ausome” na ginamit ni Katrina sa kanyang caption ay maaaring patungkol sa AUsome Training, isang organisasyon na nagbibigay ng training at resources para sa mga magulang na may anak na nasa spectrum.

Matatandaan na sa panayam ni Katrina sa February 24 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng Mommy Dearest star ang kanyang karanasan sa pag-aalaga kay Katie.

Ayon sa aktres, mahirap man ay kailangan niyang kayanin ang mga pagsubok na kinakaharap sa pagiging ina kay Katie. Sa ngayon ay masaya lang si Katrina sa achievements ng anak sa kabila ng kondisyon nito.

“Sobrang proud ako sa kanya at saka happy ako, Tito Boy, kasi 'yung mga gaya ni Katie, dapat may outlet sila. So happy ako na meron siyang ibang ginagawa. Like mahilig siya sa music, mahilig siyang kumanta. Sobrang proud ako,” sabi ni Katrina.

KILALANIN ANG MINI ME NI KATRINA HALILI NA SI KATIE SA GALLERY NA ITO: