Article Inside Page
Showbiz News
Katrina names her "frenemies" one by one and clarifies rumors linking her to them!
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered!
Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world.
Inisa-isa ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) kay
Katrina Halili ang mga pangalang naiugnay sa kanya kamakailan para matuldukan na ang mga usap-usapan tungkol sa kanyang mga nakagalit.
Una na si
Cristine Reyes na branded as "kontrabida" raw sa buhay ni Katrina. Ayon sa FHM's Sexiest Woman of 2007, mga tao lang daw ang nagpupumilit na pag-awayin sila ng kasamahan niya dati sa StarStruck. Aminado si Katrina na ordinaryong away lang daw ang namagitan sa kanila kamakailan.
"Hindi naman," tanggi ni Katrina. "Never siyang naging kontrabida ng buhay ko. Ano lang ‘yon, tampuhang magkapatid."
EHRA MADRIGAL. Hindi rin alam ni Katrina kung saan nanggagaling ang isyung nagtatarayan sila ng co-star niya sa
Lupin na si
Ehra Madrigal . Matagal na raw niyang naririnig ito, pero hindi raw niya pinapatulan.
Wala na rin daw siyang intensiyon na alamin pa kung saan nanggagaling ito.
"Kung sino man ang gumagawa nun, ipagpe-pray ko na lang kasi takot ako sa karma," mataray na pahayag ni Katrina.
6CYCLEMIND. Halatang nagtitimpi naman si Katrina nang tanungin tungkol sa rock band na 6Cyclemind. May ilang buwan na rin ang kanilang alitan, pero ni minsan ay hindi nagsalita ang sexy actress. Isang matunog na "no comment" ang parati niyang binibitiwan sa tuwing matatanong tungkol sa grupo.

"Una po sa lahat, hindi naman nila ako kailangang gamitin dahil sikat na naman sila. Sobrang sikat sila and hindi ko rin sila ginagamit dahil hindi ko naman kailangan ang publicity, lalo na ‘yung mga ganoong isyu lang. So, ayoko lang pag-usapan," sabi ni Katrina.
BOY2 QUIZON. Isang malaking ngiti naman ang isinagot ni Katrina nang tanungin tungkol kay Boy2 Quizon. Noong nakaraang linggo, malisyosong naiugnay ang pangalan ni Katrina sa young comedian-singer. Ikinakalat daw kasi ni Boy2 na nakaniig niya ang mga leading ladies sa
Lupin , kabilang na si Katrina.
Ayon kay Katrina, hindi raw sila naapektuhan ni Boy2 ng nasabing tsismis.
"Hindi ako naniniwala kasi alam ko naman na hindi magagawa ‘yon ni Boy2. Hindi siya ganung klaseng tao. Hindi ganun ‘yung pagkakakilala ko sa kanya.
"Hindi ko alam kung saan lumabas ‘yon, e. Ganun talaga ang buhay, sisirain ka ng mga tao," depensa ng young sexy actress.
DJ MO TWISTER. Marami rin ang nag-aabang ng magiging reaksiyon ni Katrina kapag nakasalubong niya ang controversial DJ na si Mo Twister. Nangyari na ito sa dressing room ng GMA-7 kamakailan. Ayon kay Katrina, hindi raw naging "marahas" ang pagkikita nila ni DJ Mo.
Matatandaang pinangalanan ni DJ Mo si Katrina bilang isa sa mga "worst actress."
"In-explain ko lang ang side ko. Sinabi ko sa kanya, tinanong niya kasi ako kung galit ako. Sinabi ko lang, napanood ko na sinabi niya na ‘I don't like Katrina' tapos worst actress daw ako. Sabi niya, hindi daw totoo, tapos sinabi ko nakita ko nga. Hindi daw totoo. So, sabi ko, ewan ko, hindi ko alam, parang nahilo na lang ako, ‘yon lang.
"Pero wala na ‘yon sa akin. Siya lang naman ang nagtanong, so sumagot lang naman ako. Pero hindi ko naman siya inaaway and wala naman akong kagalit. Kahit awayin pa nila ako, hindi ko sila aawayin. Magsawa sila," patawang sabi ni Katrina.
MIKE MAGAT. Pero tila nagbago ang timpla ni Katrina nang tanungin siya kung kilala ba niya ang ‘90s bold actor na si Mike Magat.
Hindi idinenay ni Katrina na nakilala niya si Mike bago pa man siya sumali sa
StarStruck , pero ayaw na raw niyang magkomento sa isyung nagkaroon sila ng relasyon.
"Kilala ang sinabi ko. Kasi sinabing naging kami, so hindi, ‘no!" diin niya.
"Saka mahiya naman siya. Hello! Parang may asawa at anak na yata siya para sabihin pa niya na naging kami," pagtatapos ni Katrina. --
PEP (Philippine Entertainment Portal)
Are you dying to express your thoughts about the FHM’s Sexiest Woman for 2007? Then feel free to do so in the
iGMA forums ! If you're not yet registered, register now!
Catch more of Katrina in her latest primetime show,
MariMar !
Feel the Fun with Katrina . Just send KATRINA to 4627 for all telcos. (A Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, while it costs PhP2.00 for Sun subscribers.)