GMA Logo katrina halili
What's Hot

Katrina Halili, thankful sa pag-alaga ng GMA sa kabila ng dating scandal

By Kristian Eric Javier
Published October 25, 2024 12:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam defers DPWH budget talks, proceeds with other agencies
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

katrina halili


Ayon kay Katrina Halili, sinubukan niyang magpaalam sa GMA Network sa kalagitnaan ng kontrobersiyang kinasangkutan niya noon.

Para sa Mommy Dearest star na si Katrina Halili, isa sa mga importanteng leksyon na natutunan niya ay noong maging parte ng isang scandal. Ngunit dahil din dito ay nakita niya kung paano siya inalagaan ng GMA Network, isang bagay na ipinagpapasalamat niya.

Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas, binalikan ni Katrina ang kinasangkutan niyang kontrobersiya noon. Aniya, kahit 'yun na ang pinakamatinding pinagdaanan niya sa buhay, thankful pa rin siya dahil nakabangon at naka-move forward siya.

“Masaya ako dahil nakatayo ako. Strong, ito, lumalaban, and wala akong [pakialam] kung ano sasabihin niyo sa akin, di ba? Parang move forward ako. Tinanggap ko yung pagkakamali ko and kinokorek ko,” sabi ng aktres.

Inamin ni Katrina na may pagkakamali rin siya sa nangyari kaya naman wala siyang nararamdamang galit sa nangyari.

“For me kasi, yung pagkakamali, once na tanggapin mo sa sarili mo nagkamali ka, patawarin mo yung sarili mo, sorry ka kay God, basta na-recognize mo na may mali ka, wala ka ng pakialam dapat sa mga tao eh, kasi wala kang dapat i-prove sa kanila kasi lahat naman tayo nagkakamali,” sabi ng aktres.

Aminado rin si Katrina na noong mga panahon na iyon ay pakiramdam niya ay “dead na dead na” ang kaniyang karera. Kaya naman sinubukan niyang magpaalam sa GMA Network. Sabi ng celebrity mom, ayaw niyang napapanood siya noon ng mga tao dahil alam niyang lalaitin lang siya ng mga manonood.

“So nagpapaalam ako, pero sobrang 'yung GMA, ayaw nila akong pakawalan. Ayaw nila akong mag-dwell doon sa problema, ma-focus doon, kailangan daw maiba daw ang iniisip ko. So, binigyan pa rin nila ako ng work, iyon 'yung Rosalinda,” pagbabaliktanaw ni Katrina.

BALIKAN ANG PAGPIRMA NG KONTRATA AT PAGBABALIK NI KATRINA SA SPARKLE SA GALLERY NA ITO:

Simula noon ay nagtuloy-tuloy lang ang karera ni Katrina at ang mga oportunidad na dumating sa kaniya, katulad ng katatapos lang na Black Rider, at ang upcoming drama series na Mommy Dearest.

“Thankful ako na kahit gano'n 'yung nangyari, nagtiwala pa din kayo. And masaya ako na 'yung tiwala niyo noong 2009 hanggang ngayon nabuhay ko pa. 'Di ba? I mean hindi naman ako nawala. Okay pa din ako,” pagtatapos ng aktres.

Pakinggan ang buong panayam kay Katrina dito: