
Palaban ang karakter ni Kapuso star Katrina Halili at umaarangkada rin sa ratings ang kanyang pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series na The Stepdaughters.
Sa kabila ng kanyang successful career at pagiging ina kay Katie, nanatiling single ang Kapuso kontrabida matapos makipag-break sa R&B singer na si Kris Lawrence.
Anim na taon na raw single ang Kapuso actress at ni minsan ay hindi nagkaroon ng ka-date, ““Bawal na, may anak na ako. Hindi rin naman ako naghahanap eh. Okay lang iyon. ‘Di naman ako nalulungkot.”
Nanatiling celibate ang dating sexy star, “Simula noong nagkaanak ako, ayoko nang makagawa ng bagay na baka gawin ng anak ko tapos isumbat sa akin na ginagawa ko.”
Focused daw muna ang 32-year-old actress sa kanyang sarili at anak, “May three years pa ako for myself.” Pabiro pa niyang dinagdag, ’Pag 35 na ako, naku, maghahanap na ako! Baka magpapatawag ako ng presscon na nagpapahanap na ako ng date.”
Kung sakaling magkaroon si Katrina ng karelasyon, gusto niyang panghuling lalaki na ito sa buhay niya. “Hanapin niya ako! Wala akong hinahanap na boyfriend. Kung magkaka-boyfriend ako, iyon na ang magiging asawa ko. Ayaw ko nang papalit-palit. Sabi naman nila, dadating, ‘di ba?” kwento niya sa panayam ng GMANetwork.com.