GMA Logo Katie and Kris Lawrence
Source: mariakatrina.halili.5/FB
Celebrity Life

Katrina Halili's daughter Katie, kumanta sa isang Christmas concert kasama ang amang si Kris Lawrence

By Kristian Eric Javier
Published December 23, 2025 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

Katie and Kris Lawrence


Isang father-daughter moment ang regalo nina Katie at Kris Lawrence sa mga kabataang may special needs.

Isang naiiba at espesyal na pagtatanghal ang inihandog ng anak ni Katrina Halili na si Katie nang nakasama niya ang amang si Kris Lawrence para sa isang Christmas concert.

Naging espesyal din ang naturang concert dahil nagtanghal ang mag-ama, kasama ang mga kasamahan ni Katie sa kaniyang voice school para sa isang Christmas benefit concert para sa mga kabataang may special needs.

Nag-post si Katrina ng Reel sa kaniyang Facebook account kung saan makikita ang ilang behind-the-scenes bago ang performance. Kadugtong nito, ay ang song number nina Katie at Kris sa stage.

Caption ni Katrina sa kaniyang post, “Christmas concert for our special needs friends reminds me of the gift of kindness and giving. Together, let's keep the spirit of Christmas alive in our hearts all year round.”

BALIKAN ANG STAGE MOM MOMENTS NI KATRINA KAY KATIE SA GALLERY NA ITO:

Pagkatapos ng kanilang performance ay namigay rin si Katie ng Christmas gifts para sa mga kabataan na dumalo sa concert.

Ilang beses na rin napatunayan ni Katie ang kaniyang galing sa pag-awit at kasabay nito ay ang pagpapakita ni Katrina ng suporta sa kaniyang anak. Sa katunayan, maituturing na niya ang sarili bilang stage mom sa anak.

Samantala, sa Instagram ay ibinabahagi ni Kris ang ilan sa mga bonding moments nila ng anak.

Panoorin ang video ni Katrina dito: