
Tampok si Kapuso actress Katrina Halili sa madamdamin at masalimuot na istorya ng pamilyang naambunan ng swerte nang manalo sa Lotto ngunit 'tila minalas sa bagong episode ng Wish Ko Lang sa Sabado, October 24.
Nang makapanayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Katrina ang ilan sa mga detalye ng upcoming episode.
Source: katrina_halili (IG)
“Ang istorya nito e, sinuwerte sila pero hanggang saan sila dadalhin ng swerteng 'yon?
“Parang may kapalit ba na malas 'yung swerte nila? Ang bigat nu'ng nangyari, e. Parang iisipin mo sana hindi ka na lang nanalo,” aniya.
Makakasama niya rito sina Dominic Rocco, Miggs Cuaderno at Divine.
Samantala, masaya ring ibinalita ng aktres na tapos na ang lock-in taping niya para sa primetime series na Prima Donnas.
Aniya, mas kaabang-abang ang mga eksenang dapat abangan ng viewers sa pagbabalik ng serye.
“Kung saan eksena sila nabitin nu'ng huling nag-cut 'yung 'Prima Donnas,' sasagutin na namin lahat 'yung mga tanong,” aniya pa.
Abangan ang pagbabalik ng Prima Donnas soon sa GMA.
Panoorin ang 24 Oras interview ni Katrina sa video sa itaas. Kung hindi ito naglo-load nang maayos, maaari itong mapanood DITO.