
Bayanihan ang sigaw ng The Miss Philippines pageant organization sa panawagan nila sa mga Filipino pageant fans and followers na bumoto para sa mga representatives ng bansa sa Miss and Mister Supranational pageant.
Nanawagan ang The Miss Philippines organization ng bayanihan vote para kay Miss Supranational Philippines Katrina Llegado at Mister Supranational Philippines Felipe Marasigan sa Instagram, kasama ang instructiong kung paano bumoto para sa dalawa sa caption ng post.
Ipinaliwanag din ng The Miss Philippines organization na ang mananalo sa Miss Supra Fan Vote ay automatically makakapasok sa top 12 ng pageant, habang ang winner ng Mister Supra Fan Vote ay automatically makakapasok sa top 10 ng pageant.
Nitong nakaraang araw lamang ay parehong nanawagan ng boto ang The Miss Philippines at Mister Pilipinas Worldwide organizations sa kanilang mga Instagram accounts. Ayon sa dalawang organizations, parehong kailangan nila Katrina Llegado at Felipe Marasigan ang mga boto ng bayan para sa Miss and Mister Supranational Influencer Facebook Opportunity.
Parehong nagsama ng instruction kung paano bumoto para kay Katrina at Felipe ang dalawang organizations sa captions ng kanilang post, at pinaalala rin sa kanilang mga followers na ang mga opportunities na ito ay makakatulong kay Katrina at Felipe na magkaroon ng placement sa top 20 ng kanilang mga pageants.
Matagumpay nang nangampanya ang Mister Pilipinas Worldwide organization para kay Felipe, na nakapasok sa finals ng Mister Supranational Supra Chat series.
Related Gallery: Here are your 2026 Mister Pilipinas Worldwide winners
Ilang beses na ring nanawagan ng boto at suporta ang The Miss Philippines organization para kay Katrina, tulad na lang sa Miss Supra Influencer challenge, at pati na rin sa kanyang introduction video sa Miss and Mister Supranational YouTube channel.