GMA Logo Katrina Llegado
Photo source: @katllegado (IG)
What's Hot

Katrina Llegado, may shining moment sa Miss Supranational runway

By Ron Lim
Published July 27, 2026 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SONA 2026: Commonwealth vendors, supporters tune in with hopes for economy, accountability
SEVENTEEN's Vernon, DK to start military service in August and September
LIVE - SONA 2026-Pres. Bongbong Marcos' 5th State of the Nation Address (July 27) | GMA Regional TV

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Llegado


Suot ni Miss Supranational Philippines Katrina Llegado ang isang sparkling outfit na gawa ni designer Ryan Ablaza Uson.

Agaw-atensyon ang kasalukuyang Miss Supranational Philippines Katrina Llegado nang lumakad siya sa Miss Supranational runway suot ang isang attention-grabbing sparkling ensemble.

Nag-upload ng mga Reels ang The Miss Philippines organization sa kanilang Instagram account na nagpapakita kay Katrina suot ang sparkling outfit mula kay designer Ryan Ablaza Uson. Sa Reel na nagpapakita sa kanyang naglalakad sa Miss Supranational pageant runway, inilarawan ng The Miss Philippines ang kanyang performance bilang isa na may “commanding presence that turned every step into a statement.”

A post shared by The Miss Philippines (@the_missphilippines)

Isa lang ito sa ilang mga fashion statement na ginawa ni Katrina sa kanyang panahon sa Miss Supranational. Sa kanyang closed-door interview pageant, suot ni Katrina ang modern Filipiniana na gawa ng local designer na si Renee Salud. Sa caption sa post ay sinabi niya na nanalangin din siya para sa “wisdom, confidence, and a calm heart.”

A post shared by Katrina Llegado (@katllegado)

Samantala, ang designer na si Manny Halasan naman ang na-highlight sa sashing ceremony ni Katrina sa Hotel Swing in Poland, kung saan sinulat ni Katrina sa caption ng kanyang Instagram post na karangalan “to carry a piece of Filipino craftsmanship” sa simula ng kanyang Miss Supranational journey.

A post shared by Katrina Llegado (@katllegado)

Marami sa bansa ang sumusuporta sa Miss Supranational campaign ni Katrina. Kamakailan lamang ay nanawagan ang The Miss Philippines organization sa mga Filipino fans na suportahan si Katrina sa Miss Supranational YouTube Influencer Opportunity.

A post shared by The Miss Philippines (@the_missphilippines)

Nag-upload din ng kaparehong post ang organization na nanawagan sa Filipino pageant fans na panoorin ang introduction video ni Katrina sa Miss and Mister Supranational YouTube channel. Sa caption, sinabi ng organization na makakatulong ito kay Katrina sa YouTube Influencer opportunity.

A post shared by The Miss Philippines (@the_missphilippines)

Naging Miss Supranational Philippines si Katrina noong 2025, sa parehong pageant kung saan ang kasalukuyang Sparkle artist na si Ahtisa Manalo ay pinangalanang Miss Universe Philippines.

Nasa Poland din ang kasalukuyang Mister Pilipinas Supranational Felipe Marasigan, na kamakailan lamang ay naging finalist sa Mister Supranational Supra Chat series.

Consistent ang suporta ng Mister Pilipinas Worldwide organization kay Felipe sa pamamagitan nang pananawagan ng mga boto para manalo siya sa Supra Chat series ng pageant. Kung manalo si Felipe sa overall voting, awtomatikong makakapasok sa top 20 ng Mister Supranational 2026.

RELATED GALLERY: Here are your 2026 Mister Pilipinas Worldwide winners

Isa si Felipe sa 11 winners na pinangalanan noong Mister Pilipinas Worldwide finals night na ginanap noong April 15 sa Bigger Pictures sa Mandaluyong City.

Ang iba pang mga nanalo ay sila Mister Pilipinas Manhunt Supermodel 2026 JP Gundayao, Mister Pilipinas International 2026 John Wayne Alba, Mister Pilipinas Global 2026 MJ Ordillano, Mister Pilipinas Eco International 2026 Godfrey Murillo, Mister Pilipinas Cosmopolitan 2026 John Bonifacio, Mister Pilipinas Worldwide 2026 Jason Lopez, at Mister Pilipinas 2026 Enzo Bonoan. Itinanghal na first runner-up si Zach Russell, second runner-up naman si Gian Guidicelli, at third runner-up si Cas Villones.