
Ilang araw na lang bago ang Miss Supranational coronation night, at sinisiguro ng representative ng bansa na si Katrina Llegado na matunog ang pangalan niya sa pageant ngayong finalist siya sa isa sa mga challenges nito.
Ipinaalam ng The Miss Philippines organization sa pamamagitan ng isang post sa kanilang Instagram account na kabilang si Katrina sa top 21 ng Miss Supra YouTube Influencer Opportunity, kasama ang mga representatives mula sa United States, Namibia, the United Kingdom, Curacao, Nigeria, Australia, Germany, Cuba, Tanzania, Canada, Denmark, Indonesia, Brazil, Portugal, Sierra Leone, India, Nepal, Bahrain, Venezuela, at Jamaica.
Sa caption, sinabihan ng organization ang mga fans na antabayan si Katrina, na ayon sa kanila “shines on this global stage, championing her cause and uplifting communities every step of the way.”
Related Gallery: Here's how Miss Supranational PH Katrina Llegado spent her first week
in Poland
Consistent ang The Miss Philippines sa pagsuporta sa kampanya ni Katrina na iuwi ang Miss Supranational crown sa pamamagitan ng paghingi ng boto para sa kanya. Kamakailan lamang ay nanawagan ang organization sa mga fans na suportahan si Katrina sa Miss Supranational YouTube Influencer Opportunity.
Nag-upload din ng kaparehong post ang organization na nanawagan sa mga Filipino pageant fans and followers na panoorin ang introduction video ni Katrina sa Miss and Mister Supranational YouTube channel. Sa caption, sinabi ng organization na makakatulong ito kay Katrina.
Samantala, agaw-atensyon din si Katrina at ang kanyang fashion. Kamakailan lamang, agaw-atensyon ang kanyang pageant runway kung saan suot niya ang gawa ng designer na si Ryan Ablaza Uson. Inilarawan ng The Miss Philippines ang kanyang performance bilang isa na may “commanding presence that turned every step into a statement.”
Modern Filipiniana ulit ang suot ni Katrina sa kanyang closed-door interview para sa Miss Supranational pageant. Sa caption sa post ay sinabi niya na nanalangin din siya para sa “wisdom, confidence, and a calm heart.”
Ang designer na si Manny Halasan naman ang na- highlight sa sashing ceremony ni Katrina sa Hotel Swing in Poland, kung saan sinulat ni Katrina sa caption ng kanyang Instagram post na karangalan “to carry a piece of Filipino craftsmanship” sa simula ng kanyang Miss Supranational journey.