What's Hot

Katrina, magsasampa ng kaso laban sa nanay ni Hayden Kho?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 14, 2020 8:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Pinag-aaralan ngayon ng kampo ni Katrina Halili kung may maisasampa silang kaso laban sa ina ni Dr. Hayden Kho, Jr.
Pinag-aaralan ngayon ng kampo ni Katrina Halili kung may maisasampa silang kaso laban kay Mrs. Irene Kho, ina ni Dr. Hayden Kho, Jr., matapos itong magbigay ng pahayag sa telebisyon na si Katrina 'di umano ang nagtulak sa kanyang anak na malulong sa droga. Text by Loretta G. Ramirez. Interview excerpts from 24 Oras. stars “With the reckless statements, ill-advised statements by Mrs. Irene Kho, we will take actions—especially [dahil] nadadamay ang ibang tao. Kung bakit ganun siguro si Hayden, nakita natin kung paano magsalita ang ina,” ayon kay Atty. Raymund Palad, ang legal counsel ni Katrina. Galit na galit naman ang sexy actress, ayon sa GMA News, nang mapanood niya ang interview ng ina ni Hayden sa telebisyon. Lumaki raw lalo ang issue ng sabihing ni Mrs. Kho na ang road manager ni Katrina na si Omar Sortijas ang supplier ng drugs. Ito ay mabilis namang pinabulaanan ng road manager ng aktres. "'Yung issue ng drugs, definitely, itinatanggi namin 'yun," sabi ng abogado ni Katrina. "'Yung allegation ng drugs na sinabi ng mommy ni Hayden, na si Katrina pa ang nagbigay. Pangalawa, may admission ang mommy na lulong sa droga ang anak niya. "Let's go sa age factor. Hayden just celebrated his 29th birthday. Katrina is, I think, 22 years old. Tingnan natin sa age factor. Kung lulong sa droga si Hayden, palagay nating nag-start noong college—huwag nang high school—so he was around 16 years old. Kung 16 years old onwards, for the last 13 years—kung si Hayden ay 16 noon, si Katrina naman, nine years old. Analysis ko lang, ibig sabihin nito, baka naglalaro pa ng Chinese garter si Katrina, lulong na sa drugs ang anak niya. “You would imagine na isang bata, siya pa ba ang magsu-supply ng droga sa isang doctor? Ang doctor, may access sa drugs,” ang mariin namang sabi ng abogado ni Katrina. Isinangkot din ng ina ni Hayden ang dating talent manager ng doktor, si Lolit Solis, saying ito ang mastermind at may pakana sa pag-iyak at paghingi ng tulong ni Katrina. “Kung ini-script ko ‘yun, in the first place, dapat ang i-script mo 'yung video. 'Yun ang dapat niyang sinabi. Kapag nanay ka, dapat ang anak mo i-guide mo sa mabuti, eh siya parang, siya okay lang sa kanya [ang] ginawa ng anak niya,” ang madamdaming pahayag naman ni Ms. Lolit, na halatang galit na galit. Isa pa sa naging pahayag ni Mrs.Kho sa interview ay ang pag-amin na nasaktan siya nang idamay siya ni Sen. Bong Revilla sa issue at 'di umanong nagbitiw ng mga salita laban sa kanya. Ito naman ang nasabi ng senador sa naging pahayag ng ina ni Hayden: “Naiintindihan natin siya, 'yung pinagdadaanan niya ngayon. Lalo’t alam naman natin na sa mata ng isang ina, inosente at 'di makabasag-pinggan ang kanyang anak.” Nakatakda naman ang isang Senate hearing sa May 28, kung saan maaring magharap-harap ang lahat ng sangkot sa sex video scandal na ito. Anung kaso kaya ang isasampa ng kampo ni Katrina sa ina ni Hayden? For updates sa isyung ito, always log on to iGMA.tv.