
Nakasama ni "Suklay Diva" Katrina Velarde ang mga divas ng All-Out Sundays Queendom nitong nakaraang Linggo (February 27) para sa isang singing showdown sa Sing Galing portion ng programa kasama ang The Clash Season 4 grand champion na si Jessica Villarubin.
Umani rin ng papuri ang duet nina Katrina Velarde at Jessica Villarubin para sa kantang "I Surrender" na nasa YouTube channel ni Katrina.
Unang sumikat si Katrina noong 2006 matapos magwagi sa isang radio singing challenge. Sumali rin si Katrina sa iba't ibang TV singing competitions at nabansagang "Suklay Diva" nang mag-viral ang kanyang video na kumakanta ng "Dangerously In Love" ni Beyonce. Nakilala rin si Katrina bilang "Asia's Vocal Supreme."
Panoorin ang kanilang All-Out Sundays performance: